^

PSN Opinyon

Hindi malilimutan si Nida Blanca

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
LIMANG dekada ring pinasaya ni Nida Blanca ang mga Pilipino. Isa siyang premyadong aktres at tunay na alagad ng sining at karapat-dapat gawaran bilang National Artist kahanay ng mga yumaong direktor Gerardo de Leon, Lamberto V. Avellana at Manuel Conde. Isa nang institusyon sa larangan ng pelikula si Nida.

Si Nida (Dorothy Jones sa tunay na buhay) ay kinagiliwan ng maraming tao dahil sa husay niyang gumanap. Tinagurian siyang the total performer dahil sa galing niyang sumayaw, kumanta, mag-comedy at mag-drama. Ilan sa pelikula niya na hindi malilimutan ng mga tagahanga ay ang ‘‘Batanguena’’, ‘‘Waray-waray’’, ‘‘Galawgaw’’, ‘‘Aling Kutsero’’, ‘‘Babaeng Hampaslupa’’ at ‘‘Tumbalik na Daigdig’’ na ang kapareha ay ang ka-love team na si Nestor de Villa.

Unang nagkamit ng FAMAS award si Nida sa ‘‘Korea’’ na screenplay ng yumao at dating Senator Ninoy Aquino. Pinarangalan siya ng iba’t ibang award giving bodies sa ‘‘Miguelito’’, ‘‘Magdusa Ka’’ at ‘‘Sana Pag-Ibig Na.’’ Ang ‘‘John and Marsha’’ nila ni Dolphy ay napakatagal na napanood sa TV. Malaki rin ang naging papel ni Nida Blanca sa pagsuko at pagbabagong-buhay ng maraming Huk. Pinarangalan siya ng gobyerno sa kanyang dakilang misyon.

Nakalulungkot isipin na ang isang huwarang artista gaya ni Nida ay nagkaroon ng malagim na wakas. Sana naman ay magkaroon na ng kalutasan ang karumal-dumal niyang kamatayan.

ALING KUTSERO

BABAENG HAMPASLUPA

DOROTHY JONES

ISA

JOHN AND MARSHA

LAMBERTO V

MAGDUSA KA

MANUEL CONDE

NIDA

NIDA BLANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with