^

PSN Opinyon

Mabahong tricycles

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAHIGIT isang taon na ang Clean Air Act. Pero hanggang ngayon ay wala pang implementing guidelines. Hanggang ngayon ay nagkakasakit ang mamamayan dahil sa maruming hangin.

Isa sa pinaka-matinding mag-pollute ng hangin ang tricycles. Lalo na ang mga two-stroke na tumatakbo sa pinaghalong langis at gasolina. Hindi lang mausok, maingay pa. Puwersado kasi ang sakal na makina.

Kung ipatutupad ang Clean Air Act, bawal na ang gano’ng tricycle. Tiyak kasing hindi papasa sa smoke emission limits dahil sa krudong pang-andar. Sa ibang bansa nga bawal na ang two-stroke. Kaya hindi na mina-manufacture. Sa Pilipinas na lang binebenta ito. Nakaka-suffocate ang mala-abong usok. Masakit sa ilong, mata at lalamunan. Nagdudulot ng cancer sa baga, balat at laman-loob.

Nakakabingi pa. Hindi malagyan ng muffler para patahimikin ang makina. Kasi, lalong masasakal at hindi na aandar. Tanungin mo ang driver ng two-stroke tricycle kung hindi siya nabibingi; ang isasagot sa iyo, hindi siya marunong manghingi. Tanungin mo kung hindi siya naiingayan, isasagot sa iyo na marunong siyang magbigayan. Sa inis, murahin mo nang gago, ngingitian ka at sasabihing matagal na niyang alam na siya’y guwapo.

Pinaka-iingatan daw ng awtoridad ang pag-akda ng implementing guidelines ng Clean Air Act. Lalo na raw sa two-stroke tricycles. Kasi, political question daw ito. Libu-libong tsuper ang mawawalan ng trabaho kapag ipagbawal na ito. Lalala ang kahirapan. Tataas ang crime rate.

Malabong katwiran ‘yon. Para na rin nilang sinabing hayaan na lang ang street vendors, miski wala nang madaanan ang pedestrians at sasakyan, dahil mawawalan sila ng pinagkakakitaan. Para na ring sinabing pahintulutan na lang ang snatchers, akyat-bahay, mandurukot, dahil doon sila nakakakuha ng pangkain.

Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas, dahil sa mga baluktot na katwiran. Imbis na igiit ang tama, pinamamalagi ang mali. Imbis na ipatupad ang batas, hinahayaan ang paglabag. Kailan tayo matututo?

CLEAN AIR ACT

HANGGANG

IMBIS

ISA

KAILAN

KASI

KAYA

SA PILIPINAS

TANUNGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with