Ang biktima raw ng kidnapping ay si Taiwanese businessman Go Lip Tse. Inakusahan umano itong drug pusher ng grupo ni Villaroman dahil nahuli raw nila itong nagbebenta ng isang kilong shabu sa kanilang police poseur-buyer.
Pero ang kuwentong ito ay sinopla ayon sa mga ebidensiya ni Pasay City RTC Judge Porfirio Macaraeg. Hindi siya naniwala sa mga story telling a lie raw ng grupo ni Villaroman.
May video footage kasing nakuha mula sa Heritage Hotel close circuit surveillance camera at may dalawang testigong hotel security guards pa para malaman ang buong katotohanan kung paano kinuha ng mga police si Go noong Marso 15, 1998.
Nakatayo raw si Go sa labas ng hotel lobby nang dukutin umano ng grupo ni Villaroman?
Pinakakasuhan pala ni Judge Macaraeg ang grupo ni Villaroman noon sa pamunuan ng PNP matapos niyang mapagtanto ang totoong pangyayari.
Inupuan daw ng kung sinong Herodes ang nasabing kaso DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.
"Ibang klase pala ang PNP kung magtago ng kanilang baho," naiinis na sabi ng kuwagong fixer sa DFA.
"Siyempre kabaro nila ang mga ito," sagot ng kuwagong Kotong Cop.
"Ano ang ginagawa nina PNP Bossing Mendoza at CIDG Chief Gualberto? Di ba sila lang ang may kapangyarihan para bulatlatin ang natulog na kaso?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Iba kasi sa Pinas pag may matinding padrino?"
"Siya nga pala, ano ang nangyari kay Go?" tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Ayun tulo-laway sa takot sa nangyari sa kanya."
"Paano siya ngayon?"
"Ayun mu-la nang mu-la kasi sakit daw nangyari, he-he-he!"