^

PSN Opinyon

Si GMA sangkot sa ransom?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MATINDI ang epekto ng ipinahayag ni Sen. Sergio Osmeña III na sina President Gloria Macapagal-Arroyo, Defense Secretary Angelo Reyes, AFP chief of staff Diomedio Villanueva at Brig. Gen. Romeo Dominguez ay may kinalaman sa P17 milyong ransom para sa pagpapalaya ng Abu Sayyaf sa negosyanteng si Reghis Romero, sa girlfriend nitong si Ma. Rizza Santos at sa batang si R.J. Recio.

Masama ang paratang na ito ni Serge. Hindi ito ang kauna-unahang paratang laban kay GMA. Dati-rati ay si First Gentleman Mike Arroyo lamang ang pinararatangan ng paggawa ng hindi nararapat. Ngayon pati si GMA na.

Kaya lang, sa pagkakataong ito, marami ang nagtatanong kung bakit si Serge pa ang lumilitaw na sumisira kay GMA. Para bang pinalalabas ni Serge na hindi lamang alam ni GMA ang ginawang ransom para kay Romero kundi sangkot mismo nang personal dito ang Presidente. Matindi ito sapagkat kamakailan ay may ginagawang imbestigasyon ukol sa pagkakasangkot ng ilang matataas na pinuno ng military sa mga lagayan ng ransom money. May alegasyon na kasama raw ang mga opisyal ng military hindi lamang sa mga ransom money kundi pati na rin sa pagbibigay-proteksiyon sa mga miyembro ng Abu Sayyaf.

Dapat na linawin kaagad ni GMA na hindi siya sangkot sa mga paratang ni Serge. Nararapat niya itong ipaliwanag na mabuti at sana ay siguruhin niyang maniniwala sa kanya ang nakararami. Sana ay mahinto na ang siraan lalo na ang paninira kay GMA. Hindi ito maganda sa bansa. Paano tayo makaaahon kung masisira ang kredibilidad ng ating Presidente? Hinay-hinay lang mga abay.

ABU SAYYAF

DAPAT

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DIOMEDIO VILLANUEVA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REGHIS ROMERO

RIZZA SANTOS

ROMEO DOMINGUEZ

SERGIO OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with