^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga magnanakaw

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
LAGANAP ngayon ang nakawan dito sa Metro Manila. Batay sa mga police reports, araw-araw ay may nakawang nagaganap. Ang iba ay hindi na naitatala sa police blotter.

Ilang miyembro ng robbery gang na kung tawagin ay "Laglag-susi" ang naaresto kamakailan sa Mandaluyong City. Mga pasahero sa bus ang kanilang binibiktima, partikular ang mga bumibiyahe sa EDSA. Sumasakay sila sa Boni Ave. at sa kanto ng EDSA at Shaw Blvd. Modus operandi ng grupo na kunwa’y naghahanap sila ng susi na sadya nilang inihulog at sabay kapkap sa mga pasahero at dinudukot ang kanilang wallet, tatangayin ang relos at iba pang mga alahas at gamit na mapagkakakuwartahan nila. Pati cellphone ay tinatangay. Matapos makapagnakaw ay lilipat naman sila sa ibang bus. May dala silang baril at patalim kaya hindi makuhang manlaban ng mga pasahero.

Sinabi ng dalawang nahuling magnanakaw na dala ng kahirapan at kawalan ng trabaho kaya nila nagawa iyon.

Sa Valenzuela City ay marami ring snatcher na bumibiktima sa mga pasahero ng dyip, FX at bus. Sa Quezon City ay talamak din ang nakawan, lalo na ang agaw-bag sa mga babae. Ang pang-aagaw ng cellphone ay tuloy pa rin lalo na sa university belt. Maging ang simbahan ay hindi rin pinatawad ng mga magnanakaw.

Hindi pa natatagalan, isang pari sa Mabitac, Laguna, ang pinatay ng mga magnanakaw. Maraming kaso ng nakawan ang naiulat sa San Felipe Neri Church sa Mandaluyong City. Sinasamantala ng mga magnanakaw na mangupit sa bag ng mga babaing nangungumunyon.

Kailangang madagdagan ang bilang ng mga pulis na nagpapatrulya. Importante ang police visibility lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

vuukle comment

BATAY

BONI AVE

ILANG

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

SA QUEZON CITY

SA VALENZUELA CITY

SAN FELIPE NERI CHURCH

SHAW BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with