^

PSN Opinyon

Imbestigador kulang

SAPOL - Jarius Bondoc -
Ibinulong lang ito sa akin ni Dir. Lucas Managuelod, hepe ng PNP directorate for investigation. Baka mahulog daw ako sa upuan sa pagka-bigla: Sa 125,000 palang pulis sa kapuluan, 15,000 lang ang marunong mag-imbestiga ng krimen. Sa buong Central Police District, halimbawa, 25 lang ang detectives na humahabol sa kriminal at nangangalap ng ebidensiya. Napasigaw pa rin ako: E kung 15,000 lang ang tumutugis sa kriminal, ano ang ginagawa ng 110,000 pang ibang pulis – nagpapalaki lang ng kuwan?

Kaya pala nang matagpuan ng pulis ang nawawalang Nida Blanca sa kotse, tumunganga lang sila. Imbis na buksan agad para itakbo ang duguang artista sa ospital, tumawag lang sila sa bahay para ipakuha ang susi. Nang tanungin ang hepe nila kung bakit gan’un, iginiit pang ‘yon daw ang procedure. Kailangan daw i-preserve ang ebidensiya ng murder, tulad ng fingerprints na maaring naiwan ng salarin sa pintuan ng kotse. Saka, patay na naman daw si Ms. Nida nang matagpuan.

Kabobohan! Papano nilang natiyak na patay na nga si Ms. Nida? Doktor lang ang makapagdedeklara noon – matapos itakbo sa ospital. Ni hindi pinulsuhan kung naghihingalo pa lang siya nang matagpuan.

Bobo rin ang mga humawak kay Charlene May Sy, batang naipit sa crossfire ng pulis at kidnappers nu’ng 1997. Inihelera ang katawan ng bata sa kalsada katabi ng mga salarin. May tama raw kasi sa leeg, kaya ipinag-palagay na patay na. Ni hindi sinikap buhayin sa pamamagitan ng paggamot.

Miski trained investigator na, palpak din. Sabi ni Supt. Jess Versoza na "case closed" na raw ang Nida Blanca murder nang kumanta si Philip Medel. Pero wala raw siyang gaanong alam tungkol sa confessed killer. Kamala-mala mo, asset o civilian agent pala niya ito. Binabayaran ng P10,000 kada buwan.

Hay, naku. Kailangan talagang i-train ang pulis sa pag-imbestiga. Kasi, kung tanungin mo ang karaniwang pulis kung ano ang DNA test, ang dagliang sagot ay Di Namin Alam.

BINABAYARAN

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHARLENE MAY SY

JESS VERSOZA

KAILANGAN

LANG

LUCAS MANAGUELOD

MS. NIDA

NIDA BLANCA

PHILIP MEDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with