^

PSN Opinyon

Gising na ang Baguio

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Ang katiwalian sa pamahalaan ay hindi pa rin nalulutas bagkus lumalala pa yata. Napatalsik si Erap subalit patu-loy pa rin ang katiwalian sa lipunan. Lumalala rin ang kriminalidad, patuloy ang pagkalat ng shabu at marami ang naghihirap.

Sa pagtugon sa lumalalang kalagayan ng ating lipunan bunga ng kriminalidad, katiwalian at narco-Politics, ang VACC at ang Linis Gobyerno ng Baguio City ay nagsagawa ng isang indignation march rally kahapon sa Session road upang batikusin ang mga kinauukulan sa paglaganap ng nasabing mga problema.

Ang rally ay upang ipakita sa mga residente ng Baguio na nakasasawa na ang paulit-ulit na paglaganap ng mga nabanggit na sakit ng lipunan at kailangang tugunan ng pamahalaan. Isa sa mga highlights sa rally ay ang pagsunog ng effigy na sumisimbolo sa katiwalian, kriminalidad at narco-politics.

Matapos ang rally ay idinaos ang isang forum upang pag-usapan ang mga isyung nabanggit sa pag-asang magbibigay ito ng kalinangan sa taumbayan.

Kabilang sa mga dumalo bilang mga bisita at resource speakers ay sina VACC Vice-chairman/President Lauro Vizconde; E-JUST Chairman Atty. Leonard De Vera, Mary Ong, Manila ex-Councilor Chika Go, mga kamag-anak ng mga kidnap-for-ransom victims tulad ni Mark Chua, Gian Leung at iba pa.

Sa pagtugon ng Baguio City sa nasabing gawain, masasabing gumising na rin ang siyudad na ito sa katotohanan na isang malaking problema ang hinaharap ngayon ng pamahalaan.

BAGUIO CITY

CHAIRMAN ATTY

COUNCILOR CHIKA GO

GIAN LEUNG

LEONARD DE VERA

LINIS GOBYERNO

MARK CHUA

MARY ONG

PRESIDENT LAURO VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with