Habang dumidilim ang gabi, kapansin-pansin ang kilos nina Floro at Romy. Para silang lawin na gumigiri kay Gabino at naghihintay lang ng pagkakataon. Nang mag-1:30 ng umaga, at itapon ni Romy ang kanyang sigarilyo bilang senyas, biglang binunot ni Floro ang .38 kalibre at binaril si Gabino. Ngunit ang tinamaan niya ay si Erlinda at Rita. Sa pangalawang putok lang tinamaan si Gabino. Namatay si Gabino at Rita samantalang nasugatan si Erlinda. Dahil sa pangyayari, pinaratangan si Floro at Romy ng dalawang murder at isang attempted murder. Makaraan ang paglilitis nasentensiyahan ng mababang hukuman na may kasalanan sina Floro at Romy dahil may sabwatan ito, kahit si Floro lang ang bumaril. Tama ba ang mababang hukuman?
Tama ang mababang hukuman sa pagsentensiya sa magkapatid tungkol sa pagpatay kay Gabino. May sabwatan nga sila sa pagpatay dito. Kahit hindi man lang nagpaputok si Romy, ang partisipasyon niya ay bilang kasabwat, at sa sabwatan ang kinilos ng isa ay kilos ng lahat.
Ngunit walang pananagutan si Romy sa pagkamatay ni Rita at pagkasugat kay Erlinda. Si Floro lang ang may kasalanan dahil siyay may pananagutan sa lahat ng kinahinatnan ng kanyang maling kilos kahit itoy hindi kasama sa balak. Sa kabilang dako, ang kasabwat ay hindi maaring managot sa hindi kasama sa balak. Hindi mananagot si Romy dahil hindi kasama sa sabwatan ang pagpatay kay Rita at panunugat kay Erlinda. (People of the Philippines vs. Flora et. al. G.R. No. 125909 June 23, 2000).