^

PSN Opinyon

Madugong birthday party

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
DUMALO sa birthday party ni Jenny ang nobyong si Floro at ang kapatid nitong si Romy. Dumalo rin si Lina kaibigan ni Jenny at ang ina nitong si Rita at tiyang si Erlinda. Naroon din si Gabino na kagalit ni Floro dahil sa nangyaring suntukan na naganap bago pa mag-party.

Habang dumidilim ang gabi, kapansin-pansin ang kilos nina Floro at Romy. Para silang lawin na gumigiri kay Gabino at naghihintay lang ng pagkakataon. Nang mag-1:30 ng umaga, at itapon ni Romy ang kanyang sigarilyo bilang senyas, biglang binunot ni Floro ang .38 kalibre at binaril si Gabino. Ngunit ang tinamaan niya ay si Erlinda at Rita. Sa pangalawang putok lang tinamaan si Gabino. Namatay si Gabino at Rita samantalang nasugatan si Erlinda. Dahil sa pangyayari, pinaratangan si Floro at Romy ng dalawang murder at isang attempted murder. Makaraan ang paglilitis nasentensiyahan ng mababang hukuman na may kasalanan sina Floro at Romy dahil may sabwatan ito, kahit si Floro lang ang bumaril. Tama ba ang mababang hukuman?

Tama ang mababang hukuman sa pagsentensiya sa magkapatid tungkol sa pagpatay kay Gabino. May sabwatan nga sila sa pagpatay dito. Kahit hindi man lang nagpaputok si Romy, ang partisipasyon niya ay bilang kasabwat, at sa sabwatan ang kinilos ng isa ay kilos ng lahat.

Ngunit walang pananagutan si Romy sa pagkamatay ni Rita at pagkasugat kay Erlinda. Si Floro lang ang may kasalanan dahil siya’y may pananagutan sa lahat ng kinahinatnan ng kanyang maling kilos kahit ito’y hindi kasama sa balak. Sa kabilang dako, ang kasabwat ay hindi maaring managot sa hindi kasama sa balak. Hindi mananagot si Romy dahil hindi kasama sa sabwatan ang pagpatay kay Rita at panunugat kay Erlinda. (People of the Philippines vs. Flora et. al. G.R. No. 125909 June 23, 2000).

DAHIL

DUMALO

ERLINDA

FLORO

GABINO

NGUNIT

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

ROMY

SI FLORO

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with