^

PSN Opinyon

HK employers din ang mahihirapan

SAPOL - Jarius Bondoc -
PAKAISIPIN sana ni Hong Kong Secretary for Education and Manpower Fanny Law ang balaking bawas sa sahod ng dayong domestic workers. Hindi ito makasasalba sa ekonomiya ng isla. Makasasama pa nga.

Humina ang turismo ng Hong Kong mula nang isauli ito ng Britain sa Tsina nu’ng 1997. Bumagsak ang exports nu’ng 2000 dahil sa recession sa US. Lalo pang nabugbog sa takot ng mundo sa terorismo nang atakihin ang US nu’ng Setyembre 11. Hirap ang mga amo na negosyante rin. Hiling ng Employers of Overseas Domestic Helpers Association na kaltasan nang 15-20 porsiyento ang sahod ng maids – mula sa minimum HK$3,670 hanggang HK$3,120 o HK$2,876 na lang.

Hindi ito ang solusyon. Ang aalising 15-20 porsiyento ng sahod ay siyang ginagastos ng maids sa Hong Kong para sa personal na pangangailangan at libangan. Kung kakaltasin ito, lalo lang hihina ang benta ng kalakal at serbisyo sa isla. Lalo lang tutumal ang negosyo sa pangkalahatan. Lahat ng bansa nga ngayon ay umaasa sa domestic spending – pagbili ng sariling kalakal at serbisyo – para makaahon sa paglubog ng ekonomiya. Kaya nga may mahahabang bakasyon sa US man o sa Pilipinas, para gumasta ang mamamayan at umikot ang pera.

Hindi man biglaan, malamang mawalan na ng ganang magtrabaho sa isla ang mga Filipino. Sila ang pinakamarami sa kabuuang 233,110 maids, 155,330 o 67 porsiyento, dahil sila rin ang pinakamahusay. Mas maalaga at mas masipag kaysa sa 66.970 Indonesians o 6,940 na Thais o 3,870 pang ibang lahi. Kung layasan ng Filipinos ang isla, mas bibigat ang trabaho at negosyo ng mga amo. Bawas-oras sa hanapbuhay; dagdag-oras sa pagluluto, paglilinis, pag-aasikaso sa pamilya.

Hindi naman puwedeng basta palitan sila ng mga taga-mainland China. Mas lalala ang sakit ng ulo ng mga amo sa isla at awtoridad sa Beijing oras na dumagsa ang taga-mainland. Political problem ito.

Binawasan na nga ang minimum wage nang 5 porsiyento nu’ng 1999. Hindi naman naglaho ang krisis sa Hong Kong. Lumala pa nga.

BAWAS

BEIJING

BINAWASAN

BUMAGSAK

EDUCATION AND MANPOWER FANNY LAW

EMPLOYERS OF OVERSEAS DOMESTIC HELPERS ASSOCIATION

HIRAP

HONG KONG

HONG KONG SECRETARY

HUMINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with