Alalahanin ang kadakilaan ni Bonifacio
November 30, 2001 | 12:00am
MULI nating gugunitain ngayon ang ika-138 kaarawan ni Andres Bonifacio. Inilaan ang araw na ito upang bigyan ng kaukulang pagpupugay ang kanyang kadakilaan. Siya ang naging simbolo ng taumbayan upang ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga Spaniards. Buong tapang na itinatag ni Bonifacio ang Katipunan. Sumiklab ang rebolusyon at namulat ang mamamayan dahil sa ginawa ni Bonifacio.
Sa pag-alala kay Bonifacio, pagbulay-bulayan po natin ang kahalagahan ng kanyang ipinakipaglaban para sa ating bansa. Alalahanin ang katapangan at lakas ng kanyang loob para ipaglaban ang kalayaan. Hindi maikakaila na ang katapangang ipinakita ni Bonifacio ay naging inspirasyon natin para magkaisa upang patalsikin ang mapagmalabis na pinuno. Una si Marcos at ikalawa ay si dating President Joseph Estrada.
Ang araw na ito ay huwag sanang maging regular na bakasyon. Kailangang pagbulayan ang ating tungkulin at mga responsibilidad bilang mamamayan. Panahon din ito ng pagsasalaysay sa ating mga anak ng ating kasaysayan.
Isinulat ni Bonifacio ang Kartilya sa panahon ng kanyang pagtatag sa Katipunan bilang panuntunan ng mga katipunero sa kanilang buhay at pagmamahal sa bayan. Napakaganda sigurong basahin ito sa ating mga anak at pamilya upang matutunan ang tunay na pagmamahal sa bayan at kapwa. Ang paggalang sa karapatan at kapakanan ng kapwa ay binigyang-diin ni Bonifacio bilang palatandaan ng pagmamahal ng isang mamamayan sa bayan. Ang pagsisikap sa pagtatrabaho at pananalig sa Diyos ay mga katangiang binigyan niya ng kaukulang pansin upang maging makabuluhang kasapi ng pamilya at bayan.
Magkaisa tayong lahat na ipagdiwang ang natatanging araw na ito ni Andres Bonifacio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended