^

PSN Opinyon

Mayor nangikil ng P 20-M sa isang oil company

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nangingikil ang isang mayor sa mga negosyanteng gustong magtayo ng negosyo sa kaniyang bayan?

Ayon sa aking bubuwit, 28 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Dorothy Perez ng MBC; Bro. Al Obsum, Fayanna Cerillo, Diwata Sanchez Josef at Dr. Walter Juarez.

Binabati ko rin sina RW Nimuel Omillo ng New York Grand Lodge; Bro. Francis Villaluna, Bro. Alex de Venecia, Bro. Hermie Cajes, Kuyang Amang Mariano, Capt. Larry Cruzana at PGM Oca Bunyi.
* * *
Alam n’yo bang nangingikil ang isang kontrobersiyal na mayor sa mga negosyanteng gustong magtayo ng negosyo sa kanyang bayan?

Paging DILG Sec. Joey Lina. Pakibatukan nga Sir itong tarantadong mayor na ito!

Ayon sa aking bubuwit, marami na sanang negosyante ang nagtayo ng negosyo sa kanyang bayan kung hindi ito nangingikil. Marami na rin sana siyang kababayan na nagkaroon ng hanapbuhay kung hindi sa kanyang pangingikil.

In short, Secretary Lina, itong mayor na ito ay nangungumisyon.

Kung tawagin ngayon ang naturang alkalde ay Mayor 20 percent.

Kasi, ang mga negosyanteng gustong magtayo ng negosyo sa kanyang bayan ay hinihingan niya ng 20 percent sa halaga ng kanilang investment.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, isang oil company ang nagbalak magtayo ng gasolinahan sa isang highway na nasasakupan ng kanyang bayan. Dahil maganda ang highway at marami ang dumaraang motorista, malaki sanang gasoline station ang itatayo.

Lalagyan din sana ng iba’t ibang tindahan at mga restoran katulad ng mga malalaking gas station sa North at South Luzon Expressways.

Nang kausapin ng mga opisyal ng gas company si Mayor para magtayo nga ng gasolinahan, muntik na silang mahulog sa upuan.

Alam mo ba Secretary Lina Sir, kung bakit?

Sapagkat humingi si Mayor ng P20-milyon sa mga opisyal ng oil company.

Grabe ka Mayor, ang siba mo naman!

Ito ang isang dapat lutasin ng Arroyo administration. Meron ngang investor na gustong magnegosyo sa bansa pero kinikikilan naman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sa kagustuhan ng oil company na maitayo ang kanilang gasolinahan, sila ay umapela kay Mayor. Nakipagtawaran sila kay Mayor. Ang nasabing oil company ay tumawad ng kahalati.

Doon sa P20-milyon na hinihiling ni Mayor, tumawad ang oil company. Sila ay nag-alok ng P10-milyon.

Alam n’yo ba ang sagot ni Mayor?

Kahon!

Ayaw ng hinayupak na mayor ang 10-milyon. Ang katwiran ng tarantadong mayor kaya pala siya nangungumisyon ng 20 percent sa mga negosyante ay pinaghahandaan na ang eleksiyon sa May 2004. Ang gagong mayor na ito ay nagbabalak kumandidato sa pagka-governor.

Alam mo ba kung ano ang nangyari Secretary Lina?

Hindi na lamang itinuloy ang pagtatayo ng malaking gasoline station sa kanyang bayan.

Ang mayor na humiling ng P20-milyon sa isang oil company kapalit ng pagpapahintulot niyang maitayo ang gasolinahan sa kanilang bayan ay si…

Ito ay si Mayor S. ng Southern Tagalog Region.

AL OBSUM

ALAM

AYON

BAYAN

COMPANY

DIWATA SANCHEZ JOSEF

MAYOR

SECRETARY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with