Nida Blanca case: Kailan malulutas
November 25, 2001 | 12:00am
Ang pagkakapatay sa aktres na si Nida Blanca ay isa na namang matinding dagok, hindi lamang sa industriya ng pelikula, kundi sa mga hakbang ng pamahalaan sa pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
Sa isang press statement, kinundena ng VACC ang karumal-dumal na krimen at nanawagan sa pamahalaan na bigyang wakas ang pagdanak ng dugo ng mga inosenteng mamamayan sa kamay ng mga kriminal.
Dahil umano sa binabagabag ng kanyang konsensiya, lumitaw ang pangunahing suspect na si Philip Medel at inamin sa mga awtoridad na pinatay niya si Nida Blanca. Sa kabilang dako, sinabi ni Task Force Marsha Chief Nestorio Gualberto na kumbinsido siya sa pag-amin ng biktima, kung saan ang lahat na mga ebidensiyang nasa kamay nila ay tumutugma sa mga pangyayari kaugnay ng pagkamatay ni Nida.
Inakusahan ni Medel si Lauren Strunk, asawa ni Nida na utak ng pagpatay. Sinabi niyang inupahan siya ni Strunk para patayin si Nida. Idinagdag pa ni Medel na hindi niya inakala na si Nida ang kanyang napatay, kung kaya kusa siyang sumuko.
Subalit noong Biyernes, binawi ni Medel ang kanyang mga ipinahayag. Masalimuot pa ang kasong ito ni Nida.
Kung kidnapping lamang ang may kaparusahang bitay, baka naman isipin ng mga kriminal na ang murder ay mas magaan kaysa kidnapping at baka magpalala sa problemang pangkaayusan?
Ang batas ay batas. Kung paiiralin din lamang muli ang parusang kamatayan, dapat ay ipatupad ito sa lahat ng kriminal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended