^

PSN Opinyon

Itlog at abo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
DALAWANG mahalagang bagay ang hindi ko malilimutan sa pagtira sa nayon, ito ay ang itlog at abo.

Nalaman ko kung gaano kataas ang pagtingin ng mga taga-nayon sa itlog ng manok. Nakikita nila ang itlog na pinanggagalingan ng sustansiya na mahalaga sa katawan. Nauunawaan nila at lalo silang nakukumbinsi sapagkat maski sa school ang itlog ay ginagamit na halimbawa ng guro bilang isa sa masustansiyang pagkain.

Mababait ang mga taga-nayon na kahit alam kong mayroon sa kanila na ayaw bawasan ang itlog dahil pinararami para maging manok ay iyon ang madalas nilang ipaulam sa akin. Pinababaunan pa ako pauwi.

Minsan ay dumating ako sa nayon na hapon na. Hindi pa ako kumakain kaya pinaghanda ako nang makakain. Ubos na ang kanilang ulam kaya ang inilabas ay itlog. Kumain akong ganado dahil sa gutom. Ipinagmamalaki ko ang mga taga-nayon dahil sa kanilang kabaitan.

Isa pang hindi ko malilimutan ay ang abo. Lagi kong nakikita si Aling Sepa na may nakasupalpal na sigarilyo sa kanyang bibig. Ngunit ang apoy ay nasa loob.

‘‘Bakit ba nasa loob ng bibig ang apoy kung kayo ay nagsisigarilyo, Aling Sepa?’’

‘‘Maraming dahilan, Doktor. Una ay para huwag malaglagan ng abo ang bata kapag kalong ko. Ikalawa ay para huwag madumihan ang puting damit na aking pinaplantsa. Ikatlo, ang abo ng sigarilyo na aking nalululon ay gamit sa pagtatae.’’

Nang ako ay nag-aaral pa ng medisina, itinuro sa amin na ang uling ay gamot sa nagtatae. Alam na pala iyon ni Aling Sepa.

ALAM

ALING SEPA

BAKIT

DOKTOR

IKALAWA

IKATLO

IPINAGMAMALAKI

ISA

ITLOG

KUMAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with