Pero mukhang handa naman itong abogado ni Fajardo na si Atty. Benjamin delos Santos para gawing patas ang laban. Nasa tamang landas si Delos Santos ng hilingin niya kay Mayor Benhur Abalos Jr., na alisin na bilang chairman ng PLEB itong si Gahol. Iginiit ni Delos Santos na illegal at unconstitutional ang pagiging PLEB chairman ni Gahol. As appointing authority and chairman of Peace and Order Council, we feel that it is incumbent upon you to recall the appointment of Hon. Gahol as PLEB chairman to avoid further embarassment, ani Delos Santos sa kanyang sulat kay Abalos.
Mukhang mahihirapang magdesisyon si Abalos dito dahil sa tingin ng taga-Mandaluyong may pinaghirapan din si Gahol para manatili ang mayor sa kanyang puwesto noong nakaraang election, di ba mga suki?
Sa kanyang argumento, binanggit ni Delos Santos ang kaso ni Atty. Mario Atienza, chief prosecutor ng Batangas City at Atty. Reynold Fajardo, chief public attorney ng Public Attorneys Office ng Manila. Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hindi dapat maupo sa PLEB itong sina Atty. Atienza at Atty. Fajardo dahil maaapektuhan ang pagpatupad nila sa kasalukuyang tungkulin nila sa gobyerno. Mukhang may punto ang DOJ dito, di ba mga suki?
Baka naman may ibang pag-intindi si Gahol sa opinion ng DOJ kaya ayaw niyang magbitiw bilang PLEB chairman? Ano kaya ang sagot ni Atty. Gahol dito? Aaksiyunan kaya ni Mayor Abalos ang kahilingan ni Delos Santos?
Para makaiwas kay Gahol, humirit naman si C/Insp. Fajardo kay Justice Secretary Hernando Perez ng change of venue on the ground of partiality ukol sa kasong isinampa ni Josefina Tutaan laban sa kanya at ng kanyang mga tauhan. Si Tutaan ay kapitbahay at kumare ni Gahol at sa tingin ni Fajardo ay hindi magiging patas ang pagtingin ng city prosecutor sa kaso.
Bilang prosecutor at PLEB chairman si Gahol, ani Fajardo, has discretionary authority on criminal and administrative aspect of the case which is disadvantageous to persons be does not like. Dapat sigurong dinggin ng DOJ itong hinaing ni Fajardo, di ba mga suki? Kung umaksyon ng hindi pabor sa kanya itong si Mayor Abalos at ang DOJ sa tingin ko mahihimasmasan itong si Gahol at mawawala na nga ang kanyang kayabangan. Kung minsan kasi nananalo rin sa laban ang mga underdog.