^

PSN Opinyon

Mahihimasmasan si Gahol kapag hindi pumabor sa kanya si Mayor Abalos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY kayabangan din pala sa katawan itong si Chief Prosecutor Pablito Gahol ng Mandaluyong City. Nasabi ko ito, dahil ipinagyayabang umano ni Gahol na hindi mananalo ang kanyang mahigpit na katunggali na si C/Insp. Roberto Fajardo, hepe ng drug enforcement group ng lokal na pulisya, kung sa siyudad din lang ng Mandaluyong sila maglalaban. May katwirang magyabang si Gahol dito ah? Mantakin n’yong hindi lang siya chief prosecutor ng siyudad kundi chairman pa ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) eh ano ang laban sa kanya ni Fajardo at iba pang mga pulis n’yan? He-he-he! Lutong makaw ang laban, di ba mga suki?

Pero mukhang handa naman itong abogado ni Fajardo na si Atty. Benjamin delos Santos para gawing patas ang laban. Nasa tamang landas si Delos Santos ng hilingin niya kay Mayor Benhur Abalos Jr., na alisin na bilang chairman ng PLEB itong si Gahol. Iginiit ni Delos Santos na illegal at unconstitutional ang pagiging PLEB chairman ni Gahol. ‘‘As appointing authority and chairman of Peace and Order Council, we feel that it is incumbent upon you to recall the appointment of Hon. Gahol as PLEB chairman to avoid further embarassment,’’ ani Delos Santos sa kanyang sulat kay Abalos.

Mukhang mahihirapang magdesisyon si Abalos dito dahil sa tingin ng taga-Mandaluyong may pinaghirapan din si Gahol para manatili ang mayor sa kanyang puwesto noong nakaraang election, di ba mga suki?

Sa kanyang argumento, binanggit ni Delos Santos ang kaso ni Atty. Mario Atienza, chief prosecutor ng Batangas City at Atty. Reynold Fajardo, chief public attorney ng Public Attorney’s Office ng Manila. Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na hindi dapat maupo sa PLEB itong sina Atty. Atienza at Atty. Fajardo dahil maaapektuhan ang pagpatupad nila sa kasalukuyang tungkulin nila sa gobyerno. Mukhang may punto ang DOJ dito, di ba mga suki?

Baka naman may ibang pag-intindi si Gahol sa opinion ng DOJ kaya ayaw niyang magbitiw bilang PLEB chairman? Ano kaya ang sagot ni Atty. Gahol dito? Aaksiyunan kaya ni Mayor Abalos ang kahilingan ni Delos Santos?

Para makaiwas kay Gahol, humirit naman si C/Insp. Fajardo kay Justice Secretary Hernando Perez ng ‘‘change of venue on the ground of partiality’’ ukol sa kasong isinampa ni Josefina Tutaan laban sa kanya at ng kanyang mga tauhan. Si Tutaan ay kapitbahay at kumare ni Gahol at sa tingin ni Fajardo ay hindi magiging patas ang pagtingin ng city prosecutor sa kaso.

Bilang prosecutor at PLEB chairman si Gahol, ani Fajardo, ‘‘has discretionary authority on criminal and administrative aspect of the case which is disadvantageous to persons be does not like.’’ Dapat sigurong dinggin ng DOJ itong hinaing ni Fajardo, di ba mga suki? Kung umaksyon ng hindi pabor sa kanya itong si Mayor Abalos at ang DOJ sa tingin ko mahihimasmasan itong si Gahol at mawawala na nga ang kanyang kayabangan. Kung minsan kasi nananalo rin sa laban ang mga underdog.

ABALOS

BATANGAS CITY

CHAIRMAN

CHIEF PROSECUTOR PABLITO GAHOL

DELOS SANTOS

DEPARTMENT OF JUSTICE

FAJARDO

GAHOL

ITONG

MAYOR ABALOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with