Pamilyang sama-sama ay masaya
November 21, 2001 | 12:00am
ANG magulang ang dapat na maging modelo ng mga anak para magkaroon ng good eating habits. Para maisakatuparan ito, dapat na ang mga magulang ay makasalo sa pagkain ng mga anak. Sa panahong ito na abala sa paghahanapbuhay hindi lang ang mga ama kundi maging ang mga ina, bihira na kung magkakasalo sa mesa ang mag-anak. Hanggat maaari dapat na ang mag-anak ay magkakasabay na kumain.
Maraming benepisyo ang pagkaing magkakasalo ang bawat miyembro ng pamilya. Ang mga magulang ay nabibigyan ng pagkakataon na maging role models for good eating habits ng kanilang mga anak. Masusubaybayan din ng mga magulang ang mga anak na kumain ng well-balanced diet. Malalaman din ng mga magulang kung ano ang gustong kainin ng mga anak at kung ano ang ayaw nila. Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga parents na ipaalam sa mga anak ang new foods para sa mga anak.
Kapag magkakasalong kumakain ang pamilya ay matutuklasan din ang anumang problema na bumabagabag sa mga anak at sama-sama nila itong lulutasin. Pagkakataon din nila para lubusang makilala ang bawat isa. Kasabihan na The family that prays together, stays together kaya akma ring sabihin na The family that eats together, grows together.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended