^

PSN Opinyon

Pagbabago sa National Home Mortgage Finance Corp.

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG tunay na pagsisilbi ay makikita sa mga programang itinatatag ng mga nanunungkulan sa pamahalaan upang makapagbigay sila ng maganda at maayos na serbisyo sa mamamayan. Ang kinakailangan ay katatagan ng loob at pagmamahal sa bayan, trabaho at manggagawa upang maisagawa ang mga programang ito.

Isang magandang halimbawa ay ang nangyayaring pagbabago sa National Home Mortgage Finance Corp. (NHMFC).

Upang mapagsilbihang mabuti at mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, nagbuo ang NHMFC sa pangunguna ng Presidente nito na si Atty. Angelico T. Salud ng isang komite upang imbestigahan ang mga empleyadong may mga reklamo laban sa kanila tungkol sa kanilang mga trabaho. Ang komiteng ito ay naglalayong itaas ang integridad ng mga nanunungkulan at manggagawa sa pamahalaan upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko.

Noong nakaraang buwan, pinirmahan ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang direktiba upang bawasan ang matagal na proseso sa aplikasyon sa pabahay. Layuning mawala na ang nakaugalian nang ‘‘red tape."

Iimbestigahan ng kometing ito ang mga kasong isinampa na sa Korte laban sa mga empleyadong umano’y gumawa ng katiwalian sa kanilang trabaho. Layunin nitong mapangalagaan ang serbisyo sa publiko at mapanatili rin ang kalinisan ng mga kawani ng pamahalaan. Naglalayon ding ituwid ang mga empleyado at magsilbing halimbawa sa iba pang kawani.

ANGELICO T

IIMBESTIGAHAN

ISANG

KORTE

LAYUNIN

LAYUNING

NAGLALAYON

NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with