^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Delikado kapag inarmasan ang civilians

-
Sa wari’y wala nang maisip na paraan ang Philippine National Police (PNP) kung paano mapipigil ang talamak na kidnapping sa bansa kaya ang pag-aarmas sa civilians ang binabalak nilang gawin. Sa halip na ang mga pulis ang sanayin sa pakikipaglaban sa mga kidnappers, armasan nang matataas na kalibre, at bigyan ng mga high-tech na kagamitan, ang civilians ang kanilang isusubo. Para ano pa at binuo ang PNP kung ang mga civilians din pala ang magtatanggol sa kanilang sarili? Mas mabuti pang buwagin na ang PNP kung ganito rin lamang at nagiging inutil sa pagsugpo sa mga kidnappers. O palitan ang namumuno sa PNP.

Ang pag-aarmas sa civilians ay lumutang kasunod ng pagsasabi ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Miyerkules na hihingin niya ang tulong ng United States, Britain at Israel upang sanayin ang mga pulis Pinoy sa pagsugpo sa kidnapping for ransom syndicate. Sa kabila na sinasabi ng Malacañang na mas mababa ang insidente ng kidnapping sa taong ito kumpara sa nakalipas na taon, kakatwa namang kailangan pang kunin ang serbisyo ng mga dayuhan para sanayin ang mga pulis. Magbabayad pa sa kanila gayong sa aming palagay kaya itong gampanan ng mga pulis sa pamumuno ni PNP chief Deputy Director Leandro Mendoza. Maraming magagaling na pulis na maaaring makipagsagupa sa mga walang kaluluwang kidnappers. Iniulat ng Citizens Action Againts Crime na 202 katao ang kinidnap mula January hanggang September ng taong ito.

Sa isang banda mas okey naman ang naiisip ni GMA na mag-hire ng mga dayuhan para sanayin ang mga pulis Pinoy. Maaaring makatulong ito. Pero ang balak ng PNP at Department of Interior and Local Government (DILG) na armasan ang mga civilians ay isang paraan na dapat ay pag-isipan munang mabuti. Baka sa halip na makatulong ay lalo pang makagulo at mas marami ang mapinsala. Kahit na sabihin pa ni DILG Sec. Jose Lina na pipiliin lamang ang civilians na sasanayin at bibigyan ng baril, hindi ito garantiya na walang aabuso.

Kung ngayon nga na walang karapatang magdala ng baril ang civilian ay maraming malalagim na insidente ang nangyayari, paano pa kung magbibigay sila ng permiso. Gaano katiyak na ang bibigyan ng baril ay hindi magiging "makati" sa gatilyo. Baka mangyari na ang lahat ng civilians ay magkaroon ng lakas ng loob na magdala na ng baril. Kapag nagkaganito, mahirap nang mapigilan ng PNP at baka araw-araw ay may namamatay dahil nagbarilan dahil sa kaunting pagtatalo. Isipin sana itong mabuti ng PNP at DILG.

CITIZENS ACTION AGAINTS CRIME

CIVILIANS

DEPUTY DIRECTOR LEANDRO MENDOZA

JOSE LINA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINOY

PNP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with