Ayon kay Dr. Arturo Estuita, internist-cardiologist-preventist, dapat alamin ang mga pagkaing nakasasama sa katawan gaya ng karneng ma-cholesterol. Ito ang dahilan ng pagbabara ng mga ugat kaya hindi maayos na nakadadaloy ang dugo.
Inirerekomenda ni Dr. Estuita na iwasan ang mga pagkaing mamantika at may salitre. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina tulad ng high fiber foods na gaya ng kalabasa, sayote, okra at mga green leafy vegetables. Masustansiya rin ang mga sariwang prutas at herbal supplements na nagpapadaloy ng dugo sa puso at utak.
Sinabi pa ni Dr. Estuita na karaniwan na sa mga tumatanda ang dinadapuan ng Alzheimers Disease. Ayon kay Dr. Estuita ay tumatama rin ang sakit na ito maging sa mga 40 years old. Marami rin ang may problema sa kanilang digestive system kung kayat nahihirapan silang dumumi. Dapat silang uminom ng maraming tubig, kumain ng non-oxidant food at mag-exercise.