^

PSN Opinyon

Mga pagkaing nagpapadaloy ng dugo sa puso at utak

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAPAG sumapit na sa 40 years old ang lalaki o babae, dapat nang maging maingat. May mga sakit na hereditary o namamana na lumilitaw sa ganitong edad. Humihina na ang immune system kaya dapat na maging malusog upang maiwasan ang pagkakasakit. Panatilihin ang wastong pagkain, pag-inom ng maraming tubig at pag-eehersisyo.

Ayon kay Dr. Arturo Estuita, internist-cardiologist-preventist, dapat alamin ang mga pagkaing nakasasama sa katawan gaya ng karneng ma-cholesterol. Ito ang dahilan ng pagbabara ng mga ugat kaya hindi maayos na nakadadaloy ang dugo.

Inirerekomenda ni Dr. Estuita na iwasan ang mga pagkaing mamantika at may salitre. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina tulad ng high fiber foods na gaya ng kalabasa, sayote, okra at mga green leafy vegetables. Masustansiya rin ang mga sariwang prutas at herbal supplements na nagpapadaloy ng dugo sa puso at utak.

Sinabi pa ni Dr. Estuita na karaniwan na sa mga tumatanda ang dinadapuan ng Alzheimer’s Disease. Ayon kay Dr. Estuita ay tumatama rin ang sakit na ito maging sa mga 40 years old. Marami rin ang may problema sa kanilang digestive system kung kaya’t nahihirapan silang dumumi. Dapat silang uminom ng maraming tubig, kumain ng non-oxidant food at mag-exercise.

AYON

DAPAT

DR. ARTURO ESTUITA

DR. ESTUITA

HUMIHINA

INIREREKOMENDA

KUMAIN

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with