Palibhasay napakadalang na ang makikita mong pulis trapiko na pumapagitna sa mga intersections para mag-conduct ng daloy ng trapiko.
Ang siste, hindi naman iginagalang ng maraming motorista ang mga traffic aides ng Metro Manila Development Authority.
Lalo pang gumagrabe ang trapiko kapag umulan dahil vulnerable ang maraming dako ng metropolis sa baha.
At kapag umulan, lalo pang mawawala sa eksena ang mga traffic police pati na mga aides.
Let this be a challenge to the newly installed chief of NCRPO, Gen. Edgardo Aglipay. Boss, komo kayo ang may kapamahalaan sa mga aktibidad ng pulisya pati na ang sa trapiko, paki asikaso na po ito.
Hamon din ito kay MMDA Chair Ben Abalos para disiplinahin ang mga tatamad-tamad na traffic aides.
Ang balita ko kaya tamad na ang mga pulis na mag-trapik ay dahil mahigpit na ang PNP laban sa mga pulis-kotong.
Nabawasan daw ang delihensya ng mga tiwaling parak.
Uuups, kung ikaw ay pulis na patas huwag kang masaktan. Itoy para lang sa mga pulis na buhong.
Isang notorious area sa trapiko itong Rizal Avenue mula sa kanto ng 10th Avenue hanggang Monumento Circle sa Caloocan lalo na kung gabi at rush hour.
Araw-araw dumaraan ako riyan.
Mula sa aming tanggapan sa Port Area patungong Caloocan via R-10 all the way to C-3 road palabas ng 5th Avenue ay medyo okay pa ang takbo maliban na lang kung makasabay mo ang sangrekwang mga container trucks mula sa Pier.
Ngunit pag-kanan mo ng Rizal Avenue hanggang maka-abot ng 10th Avenue ay doon na ang kalbaryo. Kung minsay aabutin ka ng isang oras bago makalusot sa Monumento Circle gayung iilang dipa lang ang layo nito.
Paanoy hangga ngayoy ginagawa pa ring terminal ng mga mega-taxi ang harapan ng Grand Central kaya hirap umusad ang mga sasakyan.
Di na marahil mabilang kung ilang beses nang binatikos sa radyo at pahayagan ang problemang ito pero hangga ngayoy hindi pa rin nareresolba.
Ginagawa ko lang ehemplo ang Caloocan dahil iyan and madalas kong dinaraanan. Pero Im sure maraming lugar sa kamaynilaan ang may katulad na problema. Mga illegal na terminal. Mga vendors na pinapayagang magtinda kahit sa gitna ng daan, etcetera... etcetera.
Natitiyak ko rin na itoy hindi lingid sa kaalaman ng mga awtoridad. Dangan nga lamang ay pinababayaan... sa magkano kayang dahilan?
Kahit magmukha tayong sirang plaka sa kababatikos nitoy hindi tayo tutugot hanggat walang konkretong aksyon ang ginagawa ng ating mga tagapagpatupad ng batas.