Dapat ibigay ang 13th month pay
November 14, 2001 | 12:00am
AYON sa nakaraang survey, umabot na sa mahigit dalawang milyong Pilipino ang lulong sa droga. Ang problema sa droga at ang epekto nito sa ating lipunan ay malubha na. Hindi na lamang ito problema ng pamilya kundi ng buong bansa.
Nakalulungkot isipin na karamihan dito ay mga kabataang umaasam ng magandang kinabukasan ngunit dahil sa tukso ng droga ay naligaw ng landas. Ayon din sa ulat, karamihan ng mga krimen ay nagagawa ng mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng droga.
Kailangan ang pagkakaisa ng bawat sektor upang sugpuin ang salot na droga sa ating lipunan. Ang suporta ng pamilya ang kailangang manguna rito. Ang pagpapatibay ng pagmamahalan at pagkakaintindihan ng mga miyembro ng pamilya ay higit na kailangan ngayon. Mahalaga rin naman ang pakikiisa sa programa ng pamahalaan laban sa droga.
Malapit na ang pinakaabangan at pinakaabalahan ng lahat, ang pagsapit ng Pasko. Kayat inaasahan ng maraming manggagawa ang kanilang 13th month pay na inakda ng batas. Ang mga empleyado ng pamahalaan at pribadong sektor ang sakop dito. Sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, inaasahan na kanila itong tatanggapin ngayong buwang ito. Ngunit sa mga manggagawang nasa pribadong kompanya, inaasam-asam pa lamang ang 13th month pay. Maaaring hindi pa rin nila matanggap dahil sa mga problema na karaniwan nang ang mababang kita ng kanilang kompanya. Ngunit ayon sa batas, may kita o wala man ang isang kompanya, obligasyon nitong ibigay ang 13th month pay sa kanyang mga empleyado.
Sa mga kompanya, para sa ikagaganda ng Pasko ng pamilya ng ating mga manggagawa, sumunod sa batas.
Nakalulungkot isipin na karamihan dito ay mga kabataang umaasam ng magandang kinabukasan ngunit dahil sa tukso ng droga ay naligaw ng landas. Ayon din sa ulat, karamihan ng mga krimen ay nagagawa ng mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng droga.
Kailangan ang pagkakaisa ng bawat sektor upang sugpuin ang salot na droga sa ating lipunan. Ang suporta ng pamilya ang kailangang manguna rito. Ang pagpapatibay ng pagmamahalan at pagkakaintindihan ng mga miyembro ng pamilya ay higit na kailangan ngayon. Mahalaga rin naman ang pakikiisa sa programa ng pamahalaan laban sa droga.
Sa mga kompanya, para sa ikagaganda ng Pasko ng pamilya ng ating mga manggagawa, sumunod sa batas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended