^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang tigil na pangingidnap

-
HINDI na maitatanggi ang lumalalang kriminalidad sa bansa. Ang isang nakatitigatig ngayon ay ang walang tigil na insidente ng kidnapping na hindi lamang dito sa Metro Manila nagaganap kundi maging sa malalayong lugar partikular sa Mindanao. Sa kabila naman ng ganitong nakatitigatig na problema, patuloy din namang sinasabi ng Malacañang na mas mababa ang bilang ng criminality rate ngayong taon kaysa sa nakaraan. Sinabi ng Malacañang, base sa statistics ng Philippine National Police, mula January hanggang September ng taong kasalukuyan, 76,927 lamang ang nangyaring krimen kumpara sa 80,108 ng nakaraang taon. Sinabi rin naman ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na nagtatagumpay ang pamahalaan sa pagbaka sa kriminalidad at dahil dito’y napanatili ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang mataas na rating. Tumaas sa 66 percent ang rating ni GMA mula sa 38 percent noong June.

Matagumpay ayon sa Malacañang subalit, paano ipaliliwanag ang mga bagong insidente ng pangingidnap na nangyari noong Lunes na isinagawa pa sa kasikatan ng araw. Habang nagmamayabang ang Malacañang, tuksong bumabanat ang mga kidnappers. Kinidnap ng apat na armadong lalaki ang 14-year old daughter ng kilalang dermatologist kamakalawa ng umaga sa Shaw Blvd. habang patungo sa school. Nakasakay sa Starex van si Angela Dee Pineda nang harangin ng mga kalalakihang sakay ng FX van.

Nang araw ding iyon, dakong alas-2:30 ng hapon, kinidnap din naman ang isang 5-year old boy sa Pikit, North Cotabato. Pinaniniwalaang kagagawan iyon ng Pentagon kidnap group. Kinidnap ang bata sa harap mismo ng mga kaklase at teacher nito. Tinangay siya ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo. Ang bata ay anak ng hardware store owner.

Mahirap ipaliwanag ang mga nangyayaring ito sa kasalukuyan na wala nang kakayahan ang pulisya at iba pang awtoridad na sawatain ang mga kidnappers. Paano mapapaniwala ang taumbayan na mababa ang criminality rate kung halos araw-araw ay may kinikidnap. Bukod sa pangingidnap, ang pag-atake pa ng mga magnanakaw sa banko, mall at convenient stores ay hindi mapigilan. Dapat maging makatotohanan ang pamahalaan at huwag ‘‘tulugan’’ ang mga nangyayari. Gumawa ng paraan kung paano masasawata ang paglaganap ng krimen. Pakalatin ang mga pulis sa mga kalsada, malls at magronda nang magronda. Ngayong papalapit na ang Pasko, tiyak na "mamamasko" pa ang mga holdaper, kidnaper at iba pang mga halang ang kaluluwa. Magsasabog sila ng lagim sa gitna ng pagsasaya.

ANGELA DEE PINEDA

KINIDNAP

MALACA

METRO MANILA

NORTH COTABATO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

SHAW BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with