^

PSN Opinyon

Maraming balita ang natakpan sa pagkamatay ni Nida

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Kahit papaano nakatulong din sa maraming bagay ang pagkamatay ng beteranang aktres na si Nida Blanca. Natagpuang patay si Nida noong nakaraang Miyerkules ng umaga. Simula noon wala nang tigil sa radyo at telebisyon ang pagbabalita sa karumal-dumal na pagpatay sa aktres.

Natakpan ng balita kay Nida ang gumagrabeng bombahan sa Afghanistan at ang malamang na paggamit ng mga Amerikano ng nuclear. Hindi na rin pinansin ang mga balita tungkol sa Abu Sayyaf.

Masuwerte rin si Sen. Ping Lacson at nakapagpahinga siya sa mga tirada nina Col. Victor Corpus, Rosebud, Ador, Nani Perez at iba pang nagsasangkot sa kanya sa iba’t ibang kaso na kasalukuyang dinidinig ng Senado. Pati si Erap at Jinggoy ay pansamantalang naging ligtas sa pandidikdik ng media at ng mga kalaban nila sa pulitika. Sandali ring nakawala bilang pangunahing mga balita ang away-bata nina Sandiganbayan Presiding Justice Francis Garchitorena at Associate Justice Anacleto Badoy Jr.

Marami pa ang natakpan ng pagpatay kay Nida. Ang atensiyon ng Pinoy ay nakatuon sa aktres. Nais nilang malaman kaagad kung ano ang dahilan at bakit ito pinatay? Sino ang mga salarin? Papaano siya pinatay? May involve kaya sa krimeng ito ang ilan sa kanyang mga kaibigan, kasamahan sa pelikula o kamag-anak? Maraming katanungang dapat na bigyan ng kasagutan. Ipagdasal natin ang katahimikan ng kaluluwa ni Nida. Sana ay mahuli at maparusahan sa lalong madaling panahon ang pumatay kay Nida.

ABU SAYYAF

AMERIKANO

ASSOCIATE JUSTICE ANACLETO BADOY JR.

NANI PEREZ

NIDA

NIDA BLANCA

PING LACSON

SANDIGANBAYAN PRESIDING JUSTICE FRANCIS GARCHITORENA

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with