Tabloid reporter sinuspinde dahil sa expose niya sa jueteng
November 12, 2001 | 12:00am
Binuweltahan ni Peoples Tonight reporter Mario Alcala ang apat na opisyal ng Philippine Journalist Inc. (PJI) dahil umano sa ilegal na pagsuspende sa kanya at kanyang kakambal na si Manny Alcala.
Sinampahan ni Alcala ng kasong illegal dismissal at illegal suspension sa tanggapan ng National Labor Relations Commission (NLRC) sina Atty. Philip King, PJI President at Chief Executive Officer; Henry Chua, associate editor ng Tonight; Domingo Ungria, PJI personnel manager at Atty Dax Xenos, legal officer ng kompanya. Ang Alcala brothers ay sinuspinde ng PJI management kamakailan dahil sa affidavit-complaint na isinampa ni Supt. Rolando Navarro, hepe ng Muntinlupa City police, na sangkot silang dalawa sa operasyon ng jueteng sa nasabing siyudad.
Sa history ng Philippine Journalism, itong Alcala twins pa lang sa tingin ko ang natanggal sa trabaho dahil sa jueteng issue. Teka nga pala. Si Manny ay correspondent din ng Peoples Tonight.
Sinabi ni Mario na mukhang nagtagumpay si Navarro na makapaghiganti o patahimikin siya sa kanyang mga expose ukol sa jueteng, illegal terminals at malaganap na droga sa Muntinlupa City. At alam na rin niya kung sinu-sino ang mga kontak ni Navarro sa kanyang opisina na pinaglingkuran niya ng buong katapatan sa loob ng 26 na taon. Si Manny naman ay nanilbihan sa naturang kompanya ng 15 taon.
Sa tingin naman ng mga nakausap ko, hindi binigyan ng PJI management, na isang sequestered corporations ng gobyerno, ng sapat na oras para dinggin ang panig ng Alcala brothers. Kung nagawa ito sa kanya ng PJI management, hindi nalalayo na mangyayari rin ang ganitong sitwasyon sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. May punto dito si Mario, di ba mga suki?
Sa totoo lang, dahil sa nangyari sa Alcala brothers, wala na halos sa kasamahan natin sa hanapbuhay ang gustong magbulgar ng malaganap na jueteng diyan sa Muntinlupa City ni Tony Santos, ng Marikina City. Mukhang maganda ang usapan ni Navarro at ang bata ni Santos na si alyas Dindo. Magkano kaya ang dahilan ha, Mayor Jaime Fresnedi, Sir? Tanong lang.
At sobra rin ng lakas nitong si Navarro kay Philippine National Police (PNP) Chief Director Leandro Mendoza dahil hindi siya matanggal-tanggal sa puwesto eh magreretiro na siya sa susunod na buwan. Sinabi naman ng mga pulis na nakausap ko na ayaw na halos magtrabaho nitong si Navarro nitong huling mga araw niya sa serbisyo sa pangambang mabulilyaso pa ang kanyang pagretiro. Sayang din ang umaabot na tatlong milyong retirement benefits niya, di ba mga suki?
Ayon kay Mario, pagod at pawis ang ipinuhunan niya para marating niya ang kanyang posisyon. Hindi niya ikinakahiya na nag-umpisa siya sa naturang opisina bilang driver. Dapat tatlong buwan lang ang suspension nilang magkapatid pero, ayon kay Mario, parang wala ng balak ang management na ibalik pa sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest