Sisihin ang pulis
November 12, 2001 | 12:00am
"Tila wala nang ligtas sa panahon ngayon," ani Joseph Estrada nang mabalitaan ang malagim na pagpaslang kay Nida Blanca. Ganoon din ang damdam ng ibang tao mayaman man o mahirap, malapit man o fans lang ni Nida.
Ang kaibahan lang ay kung sino ang sinisisi nila. Anang isang abogado niya, tinutukoy daw ni Erap ang pamumuno ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Malamya raw kasi ang tutok niya sa pulis. Abay delikadong sabihin yon. Baka bumalik kay Erap ang pitik niya. Naganap ang krimen sa San Juan, kung saan mahigit isang dekada siyang nag-meyor. Pumalit sa kanya ang anak na si Jinggoy; mahigit isang dekada rin. Nakaupo ngayon ang isa pang anak na si JV Ejercito. Segun sa batas, meyor ang pumipili ng hepe ng pulis.
Karamihan sa atin, pulis ang sinisisi sa lumalalang crime wave. Pulis sa kanya-kanyang lugar dahil sa akyat-bahay at snatcher. Pulis sa Anti-Kidnapping Task Force dahil sa dalawang insidente ng abductions kada linggo simula Enero. Pulis sa Narcotics Command dahil sa laganap na droga na binebenta sa loob mismo ng Camp Crame.
Karamihan sa atin, naniniwala ding hindi lang sa termino ni GMA ang paglala ng krimen. Nagsimula yon nang umabuso ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force nung nakaupo pa si Erap. Pumasok sa kung anu-anong raket: shabu, proteksiyon sa Kuratong Baleleng at Solido Gangs, car theft, pamemeke ng titulo sa lupa. Buwag man ang PAOCTF, naiwan pa rin ang masamang ehemplo.
Pero hindi maaaring gawin itong rason ng bagong pamunuan ng PNP. Sila na ang naka-puwesto; sila na ang may hawak sa disiplina at direksiyon ng kapulisan. Kaya nga lang, puro sikuhan at sipsipan ang inaatupag nila. Pasiklaban kay GMA. Wala namang accomplishments.
Si GMA naman, panay ang puri sa kanila. Tinawag pang tila Eliot Ness si PNP chief Leandro Mendoza. Magaling daw sa pag-imbestiga. E kung talaga bang magaling, bakit hindi malutas hanggang ngayon ang malalaking krimen tulad ng pagkidnap kina Bubby Dacer at Edgar Bentain?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended