Ilang sandali ay nagbalik muli si Nardo. Nakita ni Chona si Magno na nooy patungo sa kanilang balkon. Walang anu-anoy nilapitan ni Nardo si Magno at sinaksak sa tiyan. Mga isang metro lang ang layo ni Chona at siyay nasa likod ng asawa samantalang kaharap si Nardo.
Dinala sa ospital si Magno ngunit namatay din.
Nasakdal si Nardo sa salang pagpatay kay Magno. Si Chona ang tumayong testigo. Kaya napatunayan ng Mababang Hukuman na may kasalanan si Nardo. Sa pagpataw ng sentensiya mas mataas ang parusang iginawad kay Nardo dahil sa sirkumstansyang ginawa ang krimen sa bahay ng biktima. Tama ba ang pagpataw ng mas mataas na parusa?
Tama. Pag sa bahay ng biktima ginawa ang krimen at walang pag-udyok mula sa biktima, mas mataas ang parusa sa kriminal. Kasama sa katagang bahay" o dwelling ang hagdan at iba pang mga nakakabit sa tahanan pati na ang patio o balkon. Kaya ang pagpatay kay Magno sa patio o balkon ng kanyang bahay ay pagpatay na rin sa bahay mismo. At itoy ginawa ni Nardo ng walang pag-uudyok mula kay Magno. Ang away nila bago mangyari ang pagpatay ay hindi naman nagsimula kay Magno. Si Nardo rin ang nagsimula nito noong batuhin niya ang bahay nina Magno. Kaya pinakamataas na parusa ang dapat kay Nardo. Mula 12 hanggang 20 taong pagkakabilanggo maliban sa pagbabayad ng P20,000 pinsala ang kaparusahan niya. (People of the Philippines vs. Rios G.R. No. 132632 June 19, 2000).