2 songs for garchi and Badoy

With due respect to my alleged friend Arnold Clavio of GMA 7 na nauna sa pagsusulat ng mga satirical musical adaptation, gusto kong i-feature sa isyung ito ang dalawang awitin na handog ko kina Sandiganbayan Presiding Justice Francis Garchitorena at Justice Anacleto Badoy.

Ipagpaumanhinan ninyo ang aking kapilyuhan at kalikutan ng isip sa araw na ito. Wika nga, walang personalan. Pasaya lang!
Ang Justice Kong Badoy
(Original by Joey de Leon)
May isang Justice, parang ginugulo

Ang kasong plunder ng dating pangulo.

Si..ya raw ay bina-braso para bitiwan ang kaso

Ang isyu ay kasing-gulo, ng mash potato.

(Refrain)


Si Ana-cleto, hindi mo ma-dig ang gusto.

Takbo ng trial ay makupad din,

Ang Justice kong Badoy...Badoy.

Itong si Justice, mahilig pumorma,

Pati si Garchi, sinasabit niya.

Kaya ngayon ang Sandigan, nanganganib mapalitan

At ang magiging pangalan,

SUNTUKANBAYAN!

(Repeat Refrain)
Garchitorena
(Tune: Macarena)
I

Umalma’t nagalit si Garchitorena

Mga e-bidensya ay ibinasura

Sa kasong perjury versus Estrada

Is-yu ay dead na!

II


Lalo pang nagalit si Garchitorena

Sa paratang ni Badoy laban sa kanya

Si Badoy nga raw ay pinagbibitiw niya

Sa plunder ni Estrada.

(Refrain)


Bakit ba Sandigan ay nagugulo

Para bang ito’y isang moro-moro

Upang madelay-delay ang asunto

For the benefit ng dating Pangulo.

(Repeat I)


Well, water under the bridge na sana ang usaping ito. Kasi hangga’t nagbabangayan sa Sandigan, may panganib na baka mabantilaw ang kaso.

It’s good the high Tribunal has gagged the two feuding magistrates. Sa tagalog, ginago ng Korte Suprema ang dalawang mahistrado..hiks-hiks-hiks! Dyok lang!

Show comments