Panibagong graft kay Benipayo

Madidikdik kaya ng Ombudsman si Comelec bossing Alfredo Benipayo sa kasong isinampa ni Atty. Dante Barcebal noong isang buwan? Parang gustong windangin ni Barcebal si Benipayo sa mga akusasyong isinumbong nito sa tanggapan ni Chief Ombudsman Aniano Desierto.

Acting Comelec bossing si Benipayo kasi hindi pa ito binibigyan ng basbas ng Commission of Appointment (CA). Kumbaga sa pelikula kontrabida si Benipayo kaya bugbog sarado ito kaliwa’t kanan sa mga binabatong kaso laban sa kanya.

Sinampahan din ng kaso sa Korte si Benipayo sa hindi nito pagkilos sa nanalong bidder para ipatupad ang mo-dernization program ng Comelec. Justice Secretary Nani Perez, Your Honor!

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay unti-unti ng umiikli ang pag-asa para iayos ang mga kapalpakan ng Comelec during election. Ang Voter’s Registration Identification System (VRIS) ang produktong inilaban ng Photokina ang sagot sa pagsasaayos ng Comelec.

Presidential election sa 2004. Hindi birong election ito kasi dito masusubukan kung love pa ng Pinoy si Prez Gloria.

Sa VRIS nakatitiyak ang Pinoy na magkakaroon ng clean and honest election dahil hindi ito kayang dayain. Comelec bossing Alfredo Benipayo subukan mo ito. Your honor!

‘‘Bakit kasi ayaw pang palitan ni Prez Gloria si Benipayo bilang bossing sa Comelec. Deadma tuloy ang CA kay Benipayo?’’ sabi ng kuwagong naghuhukay ng kanyang sariling libingan.

‘‘Baka nagbubulag-bulagan si Aling Gloria?’’

‘‘Kitang-kita naman ang bangayan sa Comelec.’’

‘‘Ano ang dapat gawin kay Benipayo para gumanda ang takbo sa Comelec?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Siguro dapat niyang gawin ang trabaho niya magkapit-bisig sila ng kanyang mga Comelec official para sa ikauunlad ng bayan.’’

‘‘Sinong dadalo sa en banc meeting eh galit daw sa kanya ang ilang opisyal dito?’’

‘‘Palagay ko panahon na para ayusin ni Aling Gloria ang Comelec.’’

‘‘Bakit naman?"

‘‘Imbes na maging maayos parang lalong gumugulo?’’

‘‘Hayaan mo kayang-kaya ni Benipayo na lusutan iyan.’’

‘‘Paano ang bayan malapit na ang election?’’

‘‘Hayaan mo dati na namang nakatunganga ang mga ito."

Show comments