Ngunit hindi natupad ang pangakong ito. Hindi nakaalis ang anim na magkababayan. At nang hinihingi nila kay Marta ang ibinayad nila, hindi nito maisauli. Hindi rin nila mabawi ang ibinayad kay Anita dahil itoy nagtatago na. Kaya si Marta lang ang kanilang idinemanda ng illegal recruitment.
Bilang depensa, sinabi ni Marta na tinulungan lang niya ang anim upang makakuha ng trabaho sa ibang bansa. Tinanggi niyang nakuha niya ang mga kabayaran ng anim. Binalingan lang daw siya ng mga ito dahil hindi na nila matagpuan si Anita. Hindi raw sila maaaring kasuhan ng illegal recruitment dahil sa kanyang pagmamagandang loob na makatulong sa kababayan. Tama ba si Marta?
Mali. Kapwa may kasalanan sina Marta at si Anita. Sa ilalim ng batas ang sinumang nagpakilala o nagharap ng mga nais magtrabaho sa isang mangangalap ay mapaparusahan din ng illegal recruitment. Kahit hindi empleyado si Marta, hindi magagawa ni Anita ang kanyang panloloko sa anim na naloko kung walang partisipasyon si Marta na siyang naghimok at nagpakilala kay Anita sa anim na biktima. Malinaw na ang ginawa ni Marta ay illegal recruitment in a large scale. Siyay makukulong ng habambuhay maliban sa dalawang taon, apat na buwan hanggang anim na taon sa bawat estafang ginawa niya sa anim. (People of the Philippines vs. Marisd G.R. No. 11714-50 & 117447, March 28, 2000).