^

PSN Opinyon

Si Pareng Tonying

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Si Pareng Tonying ay mukhang pulubi. Ang suot kasi ay laging pantrabaho. Pero sa totoo lang, isa siya sa maykaya sa nayon. Isa siyang negosyante.

Hindi siya nakatuntong ng high school, ngunit ang pangarap ay makatapos sa kolehiyo ang kanyang limang anak.

Ayaw na ayaw niyang makikita ang anak na lalaki na makibarkada. Pero ayon sa mga taga-nayon, si Pareng Tonying ay sanggano noong kanyang kapanahunan.

Bihira siyang magbihis dahil buhos sa trabaho sa kanyang negosyong manukan. Kung fiesta ay nagsusuot ng pamburol. ‘‘Kasi ako ang pangulo ng comite de festejos," sagot ni Pareng Tonying.

Ang aming pagkakaibigan ay tinagurian ng kanyang asawa na totoong malalim. ‘‘Iyang si Tonying ay walang hindi ibibigay, basta magustuhan ni Doktor.’’ Kaya naman sa harap ni Pareng Tonying ay hindi ko pinahahalata ang ano mang gusto ko.

Minsan, nagkamali akong purihin ang kanyang tiburin. Kinagabihan ay ibinibigay ang tiburin kasama ang kabayo. Mabuti na lang at hinihika ako sa balahibo ng kabayo kaya hindi ko tinanggap ang regalo ni Pareng Tonying.

Natatandaan ko na nagkakilala kami ni Pareng Tonying isang maalinsangang gabi. Lumabas ako noon ng bahay para magpahangin. Nasa harap ng bahay namin si Pareng Tonying. Inanyayahan ko siyang pumasok sa aming bahay para magkape. Umayaw dahil nagkape na raw siya. ‘‘Hindi labag sa batas ang uminom ng dalawang beses ng kape,’’ sabi ko sabay hila sa kanya sa loob ng aming maliit na bahay.

Inabot kami hanggang hatinggabi sa pagkukuwentuhan. Kung anu-ano ang aming pinag-usapan.

Mula noon ay ipinagmamalaki na ako ni Pareng Tonying. Ikinukuwento sa mga kakilala ang simula ng aming pagkakaibigan. Kahit na mukha raw siyang pulubi ay tinanggap ko bilang kaibigan.

Madalas ding sinasabi ni Pareng Tonying ang kasabihan. ‘‘Ang bahay mo man ay bato, kung ang nakatira ay kuwago; mabuti pa’y isang kubo, na ang nakatira ay tao.’’

AYAW

BIHIRA

DOKTOR

IKINUKUWENTO

INABOT

PARENG

PARENG TONYING

PERO

SI PARENG TONYING

TONYING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with