Marami ang napakamot sa ulo at nagtataka kung bakit masyadong napaaga ang pagsasabi ni GMA nang makakapalit ni Mendoza. Sa nangyariy parang sinisisi pa ni GMA ang media kung bakit nga napaaga ng ganoon. Sinabi ni GMA sinasagot lamang niya ang mga tanong ng reporters sa mga pagbabago sa PNP. Ang pagtatanong ng mga reporters ay may kaugnayan sa "Black October" coup plot at nahantong sa kung sino ang susunod na magiging PNP chief. Hindi raw niya sinabing ire-retire si Larry (nickname ni Mendoza) sa March. Ipinaliwanag ito ni GMA sa kanyang TV-radio program na "May Gloria ang Bukas mo". Maaari pa raw niyang i-extend si Mendoza ng hanggang apat na taon pa.
Sa takbo ng pangyayari, maaaring pinal na ang desisyon ni GMA kay Mendoza. Subalit maaaring lumikha ito ng mga problema lalot hinggil sa paghirang sa mamumuno sa PNP. Ipinapakitang mayroon siyang pinapaboran at hindi ito magandang tingnan lalo nat sa isang organisasyong tulad ng PNP. Hindi sana naging maaga ang pagpapahayag niya nang susunod na PNP chief na maaari pang ikasama ng loob ni Ebdane. Sa nangyari, maaaring magdulot din ito ng demoralization sa PNP. Maaaring magkaroon ng crack at magkawatak-watak.
Oo ngat may karapatan si GMA na i-extend ang sinumang malapit sa kanya at dahil si Mendoza ay pinagkakatiwalaan, ginawa na nga niya ang para sa kanyay tama lang. Tama naman siya kaya lamang, dapat sanay nasunod kung ano ba iyong pinapraktis na.
Baka dahil sa pagbawi o pagbabago ng desisyon ni GMA ay hindi mapabuti ang PNP at matuloy ang lamat. Hindi rin kaila na ang PNP ay nababalutan ng dumi. At paano makakaskas ang dumi kung maski ang pagpili sa mamumuno rito ay hindi rin masiguro kung sino.