EDITORYAL - Drug testing ng LTO abangan sa corruption
November 5, 2001 | 12:00am
Ngayong araw na ito sisimulan ng Land Transportation Office (LTO) ang mandatory drug testing ng mga mag-aapply at magre-renew ng kanilang drivers licence. Mabuting hakbang ito upang mawala na ang mga drivers na gumagamit ng bawal na droga. Kung ilang ulit naipagpaliban ang drug testing at dahil sa urung-sulong na pagsasagawa, maraming malalagim na aksidente na ang nangyari sa maraming lansangan ng Metro Manila na isinisisi sa paggamit ng shabu.
Hindi lamang dito sa Metro Manila may mga malalagim na aksidenteng nangyari kundi maging sa probinsiya man. Noong nakaraang linggo, isang pampasaherong bus ang umararo sa mga kabahayan sa Agusan del Norte na nagresulta sa pagkamatay ng 23 katao. Sa North at Luzon Expressways ay sunud-sunod ang mga nagaganap na aksidente na maraming buhay na rin ang nasayang. Maraming mga drivers na halos hindi na sumasayad sa lupa ang minamaneho nilang bus o dyipni. Hindi na nila naiisip na maraming buhay na masasayang. Ito ay dahil sa pagkalango nila sa shabu.
Maganda at kapaki-pakinabang ang drug testing na ito ng LTO. Subalit nakapangangamba na baka maging bagong pinto na naman ito sa katiwalian. Nararapat abangan at baka pag-ugatan ito ng panibago at grabeng corruption sa LTO. Hindi na kaila sa taumbayan ang nangyayaring katiwalian sa LTO na kinasasangkutan ng mga opisyal at empleado rito. Hindi pa maliwanag kung ano ang gagawing sistema sa drug testing. Kung ito ba ay isasagawa sa LTO mismo o kakailanganin pang magtungo ang aplikante at magre-renew sa mga awtorisadong klinika.
Nararapat na sa LTO na lamang gawin ang testing at bantayan ng mga mapagkakatiwalaang opisyal ng Department of Health upang hindi magkaroon ng anomalya. Siguradong may mag-aaplay na gumagamit ng droga at para makapasa ay "maglalagay" na lamang ng pera. Dito na magkakaroon ng kawing-kawing na katiwalian. Balewala ang pagsisikap ng LTO kung ganito ang mangyayari. Hindi rin mawawala ang mga sabog na driver kung masusuhulan ng pera ang mga magka-conduct ng drug testing.
Isa rin sa pinakamainam na magagawa ng LTO ay ang pagsasagawa ng on the spot drug test sa sinumang mahuhuling driver na lumalabag sa trapiko. Kung ang LTO ay nagagawang magbabad sa kalye para hulihin ang mga smoke belchers at mga colorum na sasakyan, ganito rin ang kanilang gawin para mahuli ang mga bangag. Tiyak na hindi sila makaliligtas kung ganito ang gagawin. Wakasan na ang mga pagyayaot ng mga durugistang drivers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended