Siyanga pala, ang ibig sabihin ng pangalang "Zaqueo" ay "ang dalisay na tao, ang matuwid na tao." Ang kanyang buhay ay kabaligtaran ng sinasagisag ng kanyang pangalan.
Basahin ang kuwento. Pagkatapos, pagnilayan ninyo ang sarili ninyong buhay. (Lk. 19:1-10)
"Pumasok si Jesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Dooy may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siyay napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Jesus. Kayat patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na magdaraan doon. Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siyay tumingala at sinabi sa kanya, Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo. Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus. Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. Nakikituloy siya sa isang makasalanan, wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung akoy may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya. At sinabi sa kanya ni Jesus, Ang kaligtasay dumating ngayon sa sambahayang ito, lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw."
Sa katauhan ni Jesus, ang Diyos ay dumating sa bahay ng isang makasalanan. Pagkat ang makasalanan ay nagpakita ng mga palatandaan ng pagnanais na magbagumbuhay. Nanaig ang kanyang konsensiya.
Kayo naman? May bumabagabag ba sa inyong konsensiya? Di ba panahon na upang hingin ninyo kay Jesus na pasukin na ang inyong puso?
Ang pagbabagong-loob ni Zaqueo ay pinatunayan niya sa mga konkretong aksyon. Ganoon din ang inyong gawin.