^

PSN Opinyon

Si Zaqueo

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Ngayong Linggo, mayroon tayong napakagandang kuwento tungkol sa isang tagakolekta ng buwis na tumalikod sa kanyang tiwaling pangangalakal at tumulong sa mga taong kanyang inabuso. Mula sa isang makasalanang pamumuhay, humarap siya sa kaligtasan, ang paggawa ng mabuti sa kapwa.

Siyanga pala, ang ibig sabihin ng pangalang "Zaqueo" ay "ang dalisay na tao, ang matuwid na tao." Ang kanyang buhay ay kabaligtaran ng sinasagisag ng kanyang pangalan.

Basahin ang kuwento. Pagkatapos, pagnilayan ninyo ang sarili ninyong buhay. (Lk. 19:1-10)

"Pumasok si Jesus sa Jerico, at naglakad sa kabayanan. Doo’y may isang mayamang puno ng mga publikano na nagngangalang Zaqueo. At pinagsikapan niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siya’y napakapandak, at dahil sa dami ng tao, hindi niya makita si Jesus. Kaya’t patakbo siyang nagpauna at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita si Jesus na magdaraan doon. Pagdating ni Jesus sa dakong iyon, siya’y tumingala at sinabi sa kanya, ‘Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa bahay mo.’ Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus. Lahat ng nakakita nito ay nagbulung-bulungan. ‘Nakikituloy siya sa isang makasalanan,’ wika nila. Tumayo si Zaqueo at sinabi, ‘Panginoon, ibibigay ko po sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.’ At sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Ang kaligtasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito,’ lipi rin ni Abraham ang taong ito. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw."


Sa katauhan ni Jesus, ang Diyos ay dumating sa bahay ng isang makasalanan. Pagkat ang makasalanan ay nagpakita ng mga palatandaan ng pagnanais na magbagumbuhay. Nanaig ang kanyang konsensiya.

Kayo naman? May bumabagabag ba sa inyong konsensiya? Di ba panahon na upang hingin ninyo kay Jesus na pasukin na ang inyong puso?

Ang pagbabagong-loob ni Zaqueo ay pinatunayan niya sa mga konkretong aksyon. Ganoon din ang inyong gawin.

ANAK

BASAHIN

DIYOS

GANOON

ISANG

JERICO

JESUS

KAYA

NGAYONG LINGGO

ZAQUEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with