Ang tape recorder bilang ebidensiya
November 1, 2001 | 12:00am
Si Mike at Jim ay mga radio reporters. Minsang nakasaksi sila sa isang nightclub ng mga babaing hubad na nagsasayaw, pinalabas sila ng puwersahan ng mga bodyguards at may-ari ng nightclub. Nagtungo ang dalawa sa pulisya upang ireport ang nasaksihan nila. Nadatnan nila ang tatlong pulis, at ang isa rito ay si Bert. Inaya pa sila ng mga ito na mag-inuman ngunit tumanggi sila at lumapit sa desk officer. Siya namang pagdating ng may-ari ng nightclub kasama ang mga bodyguards. Kinausap ng mga ito si Bert. Pagkaraan ng 15 minutoy hinarap ni Bert sina Mike at Jim. Binunot ang baril, tinutukan si Jim sa mukha sabay sabing: Ano, uutasin na kita!
Sa sitwasyong iyon, nanghimasok si Mike at ibig lang nilang ipa-blotter ang insidente. Hinarap naman ni Bert si Mike at sinabing walang press, press, mag sampu pa kayo," sabay utos sa desk sergeant na irekord ang mga inaasal ni Mike at Jim.
Nagallit si Mike at naging mainit ang naging sagutan nila ni Bert. Hanggang sabihin ni Mike na masyado kang abusado, alisin mo yang baril mo at magsuntukan na lang tayo. Ah ganoon sagot naman ni Bert at biglang hinataw si Mike ng kanyang baril. Bumagsak sa sahig si Mike at nang tangkang tatayo, sinuntok hanggang bumulagta. Binalingan ni Bert si Jim at pinapipirma sa police blotter na nagpapakitang si Mike ang naghamon. Walang nagawa ang nangangatog na si Jim kundi isulat ang kanyang pangalan. Dinala ni Jim sa ospital si Mike ngunit namatay din ito.
Kinasuhan ng homicide si Bert dahil sa pagkamatay ni Mike. Sa paglilitis, si Jim ang tumestigo at sinalaysay ang lahat ng kanyang nasaksihan. Upang patunayan ang kuwento niya iniharap at pinadinig ni Jim ang tape recorder kung saan nai-tape niya ng buong pangyayari at ang away nina Mike at Bert.
Kinontra ito ni Bert. Sinabi niyang si Mike ang nag-umpisa ng away. Hindi raw totoo ang salaysay ni Jim. Hindi raw dapat tanggapin ang tape recorder bilang ebidensiya dahil itoy labag sa Anti-Wire Tapping Act, na nagbabawal ng pagkuha ng tape na usapan ng walang pahintulot ng mga nag-uusap. Tama ba si Bert?
Mali. Pinagbabawal ng Anti-Wire Tapping Act ang pagkuha ng tape ng pag-uusap na pribado. Sa kasong ito ang pag-uusap at away nina Mike at Bert ay nangyari sa police station na isang publikong lugar. Maraming ibang tao at mga pulis ang na roon pati na ang desk officer. Ang tape recorder ay napatunayang totoo rin. Si Jim mismo na siyang nagrekord ng pag-uusap ang tumestigo ay sinabing yon ang nakuha niya sa pag-uusap at ang mga boses doon ay kina Mike at Bert. At ang tape na itoy nagpatunay ng kanyang salaysay sa pagkamatay ni Mike. Si Bert ay nagkasala ng homicide at makukulong mula walong taon hanggang 14 na taon, walong buwan. (Navarro vs. Court of Appeals G.R. No. 121087 August 26, 1999)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended