^

PSN Opinyon

Rivero, huwag kang manggago

- Al G. Pedroche -
Mahilig manggago itong si Robert Rivero. Daming reporter at editor na ginago. Pati ako!

In good faith,
inilathala ko ang pahayag ng babaeng dala-dala niya sa isang presscon na diumano’y "winner" sa lotto pero ang napanalunang P1.6 milyon ay "iba ang nakakubra". Ang balita’y isinulat ng ating Senate reporter.

Pinalilitaw na may sindikato sa loob ng PCSO na nagho-hokus-pokus para ang mga napapanalunang limpak na halaga’y makubra ng iba.

The lady who goes by the name of Catherine Tabien claims that she won in the March 29, 2001 lotto 6-digit draw sa kombinasyong 6-8-6-6-3-9 na may jackpot prize daw na P1.6 milyon.

Hindi ko na ididetalye ang nilubid na buhangin nitong si Tabien dahil nailathala na naman bilang banner story ng PSN at ng ibang diyaryo kahapon.

Buti na lang at kasabay sa pagkakalathala ng balitang ito, naisulat natin ang panig ng PCSO na nagsasabing "no winner" sa naturang draw sa petsang kini-claim ni Tabien.

Pero pina-research ko sa ating Senate reporter na si Rudy Andal para makumpirma kung may katotohanan ang alegasyon ni Tabien. Sa mga diyaryong nagdadala ng lotto results noong March 30, a day after the draw, talagang "no winner" para sa 6-digits.

Kung mayroong pinirmahang sworn statement itong si Tabien, siguradong perjury iyan. Pero palagay ko’y wala at ang nangyaring "pagbubunyag" ay purely publicity stunt nitong si Rivero.

Noon pa mang unang magbunyag ng kung anu-anong anomalya itong Riverong ito against Mike Arroyo, hindi ko na pinagpapapatulan ang kanyang mga istorya. Pero naawa ako sa babaing hatak niya sa presscon. Mantakin mo ang mahigit isang milyong pisong nawala sa palad ng isang mukhang maralita?

Mahabagin kasi ako sa naaagrabyado kaya ang ganitong klaseng balita’y nakakaakit sa’kin ng pansin.

Presidente pa ako ng Malacañang Press Corps ay kumokober na sa Palasyo itong si Rivero. Reporter yata ng DZXL kung di ako nagkakamali. Mukha namang mabait. Walang kibo. Aba’y katakut-takot na kulo pala ang nasa loob ng taong ito!

Ayoko sana siyang banatan dahil dating kabaro sa media kahit tinitira pa niya ang mga dati niyang kasamahan sa industriya na naipuwesto sa gobyernong Arroyo.

Parang nakalimutan na niya na kaya siya nalagay bilang media consultant sa PCSO ay dahil isa rin siyang media practitioner noong araw. In other words, dahil sa impluwensya ng media ay naipuwesto siya nang maganda sa gobyerno.

Rivero, if you’re in the demolition business, pagbutihan mo. Gawin mong pulido ang diskarte at huwag kang mediocre.

AYOKO

CATHERINE TABIEN

MIKE ARROYO

PERO

PRESS CORPS

RIVERO

ROBERT RIVERO

RUDY ANDAL

TABIEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with