Dayuhang manager ng 5-star hotel nambastos ng customers
October 30, 2001 | 12:00am
Alam nyo bang nag-iiyak ang dalawang customer nang bastusin ng dayuhang general manager ng isang five star hotel sa Makati City?
Ayon sa ating bubuwit, 57 days na lang at Pasko na.
Maraming salamat sa mga officers ng Catholic Mass Media Awards kina Jaime Cardinal Sin, Col. Antonio Cabangon Chua at Fr. Joselito Jopson sa pagbibigay ng award sa radio program sa DZRH na Deo Macalma Back-to-Back with Rey Sibayan. Binigyan ito ng parangal bilang Best News Commentary.
Alam nyo bang binastos ng dayuhang manager ng isang malaking hotel sa Makati City ang kanilang dalawang customers?
Ayon sa aking bubuwit nangyari ang pambabastos noong October 23, 2001 dakong alas-9 ng umaga sa Club Lounge ng Mandarin Hotel sa harapan ng mga waiters at mga customers.
Ayon sa aking bubuwit, naka-check inn sa Room 1830 si Ms. Marichu Villegas at ang lola nitong si Mrs. Eva Lara Underwood. Si Marichu ay taga DZRH Drama Department. Sila ay nasa 18th floor ng hotel. Dahil nasa 17th floor lamang ang Club Lounge kung saan isine-serve ang breakfast sa mga guests, dumaan sila sa hagdanan. Malayo kasi yung kanilang kuwarto sa elevator ng hotel kaya ipinasya nilang dumaan na lamang sa hagdanan. Nang dumaan sila sa hagdanan nasalubong naman nila ang dayuhang general manager.
At maniniwala ba kayo na sinita sila ng manager? Bakit daw sila nagdaan sa hagdanan? Sinabi naman nina Marichu na itinuro sa kanila ng isang roomboy ang naturang daanan.
Ayon sa aking bubuwit, sinundan ng general manager sina Marichu sa Club Lounge. Ipinatuturo sa mga ito kung sino yung roomboy na nagsabi sa kanilang dumaan sa hagdanan pababa sa 17th floor.
Dahil ayaw naman nina Marichu na mapahamak yung roomboy, hindi siyempre itinuro. Sila ang pinagbalingan ng manager at dinuro ng dalawang beses at sinigawan sa harapan ng maraming tao.
Maniniwala ba kayo na dahil sa lakas ng pagsigaw ng general manager, napatingin ang mga waiters at iba pang guests. Natulala sina Marichu at napahagulgol ng iyak.
Hinayupak na manager ito, dahil lamang sa pagdaan sa hagdanan ng hotel ay dinuro at binastos ang kanilang customer. Kung halimbawa bawal doon, eh bakit hindi na lang pagsabihan ang customer.
Dayuhan ka lang dito kung umalipusta ka ng Pinoy ay akala mo kung sino ka na. Di bale, humanda ka at kakasuhan ka ng hiniya mong mga customers.
Ang bastos na general manager ay walang iba kundi si Mr. Geisberger, isang Austrian. Kalahi ni Hitler.
Ayon sa ating bubuwit, 57 days na lang at Pasko na.
Maraming salamat sa mga officers ng Catholic Mass Media Awards kina Jaime Cardinal Sin, Col. Antonio Cabangon Chua at Fr. Joselito Jopson sa pagbibigay ng award sa radio program sa DZRH na Deo Macalma Back-to-Back with Rey Sibayan. Binigyan ito ng parangal bilang Best News Commentary.
Ayon sa aking bubuwit nangyari ang pambabastos noong October 23, 2001 dakong alas-9 ng umaga sa Club Lounge ng Mandarin Hotel sa harapan ng mga waiters at mga customers.
At maniniwala ba kayo na sinita sila ng manager? Bakit daw sila nagdaan sa hagdanan? Sinabi naman nina Marichu na itinuro sa kanila ng isang roomboy ang naturang daanan.
Dahil ayaw naman nina Marichu na mapahamak yung roomboy, hindi siyempre itinuro. Sila ang pinagbalingan ng manager at dinuro ng dalawang beses at sinigawan sa harapan ng maraming tao.
Maniniwala ba kayo na dahil sa lakas ng pagsigaw ng general manager, napatingin ang mga waiters at iba pang guests. Natulala sina Marichu at napahagulgol ng iyak.
Hinayupak na manager ito, dahil lamang sa pagdaan sa hagdanan ng hotel ay dinuro at binastos ang kanilang customer. Kung halimbawa bawal doon, eh bakit hindi na lang pagsabihan ang customer.
Dayuhan ka lang dito kung umalipusta ka ng Pinoy ay akala mo kung sino ka na. Di bale, humanda ka at kakasuhan ka ng hiniya mong mga customers.
Ang bastos na general manager ay walang iba kundi si Mr. Geisberger, isang Austrian. Kalahi ni Hitler.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest