^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang mainis ay siyang talo

-
Ang madali raw mainis ay kadalasang siyang natatalo. Noong Huwebes ay nainis si President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa umano’y tsismis ng kudeta laban sa kanyang administrasyon. Kitang-kita ang kanyang pagkainis sa harap ng mga reporters sa ginanap na press conference sa Malacañang. Sinisi ni GMA ang media sa umano’y pagkalat ng rumor sa kudeta. Hindi napigilan ni GMA ang inis at sinabing dahil sa diyaryo at radio kaya kumalat ang tsismis sa kudeta. Ang media umano ang nagsimula para pag-usapan ang tungkol sa kudeta. Dahil aniya sa maling report kaya bumagsak ang peso na naging 52 na laban sa 1 dollar.

Lalo pang umalingasaw ang tungkol sa kudeta nang imbitahan sa Camp Crame sina Young Officers Union leader Supts. Rafael Cardeno at Diosdado Valeroso. Magdamag silang kinuwestiyon. Kinausap ni GMA ang dalawang YOU leaders at itinanggi ng dalawa ang balak na kudeta at nangako ng suporta.

Dahil sa pagkainis, hindi sinagot ni GMA ang tanong ng mga reporters tungkol sa sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na sa administrasyon nagsimula ang rumor sa kudeta upang mabaling dito ang atensiyon ng mamamayan. Wala umano siyang comment sa sinabi ni Lacson. Hindi rin niya sinagot ang tanong kung ano ang reaksiyon sa pagtanggi ni dating President Estrada sa planong destabilization plot.

Mula nang maupo si GMA noong January ng kasalukuyang taon, maraming beses na siyang nagpapakita ng pagkainis at pagkapikon sa mga tanong sa kanya ng media. Kapag hindi niya gusto ang tanong ay umaakyat ang dugo niya sa ulo. Hindi niya maitago ang pagkainis o pagkayamot. Ang pagkainis niya sa pagkalat ng rumor sa kudeta ay isang patunay at hindi lamang mga reporters ang nakapansin nito kundi ang buong Pilipinas na nakapanood sa telebisyon.

Hindi sana nagpakita ng pagkainis o pagkabugnot si GMA manapa’y sinagot sana niya ng mahinahon at may pagtanggap ang sitwasyon. Kung walang kudeta e di wala. Tawanan kung ang kudeta ay isang tsismis na ipinakakalat ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Kung totoo naman na may mga plano ngang kudeta e di gumawa ng mga paraan kung paano ito mapipigilan. Sa halip na mapikon e atasan ang kanyang mga magagaling na opisyal at sundalo na hukayin ang pinanggalingan nito. Napakasimple lamang kaysa sa media ang pagbalingan. Lalong lumalaki ang isyu dahil sa kanyang aksiyon.

Ang media ay taga-report lamang ng mga nakikita nilang nangyayari sa bansa. Anumang kibot o kilos ng Presidente ay isang malaking balita na inaabangan nang taumbayan. Dapat itong malaman ni GMA.

CAMP CRAME

DAHIL

DIOSDADO VALEROSO

GMA

KUDETA

NOONG HUWEBES

PANFILO LACSON

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with