Karapatan nating consumer ang mahusay na produkto at serbisyo sa tamang presyo. Kung magka-aberya, ipaalam agad sa kompanya o tindahan. Di lang ito pinaka-mabilis na paglutas ng aberya, mahuhuli pa ang loyalty natin sa binilhan at mapapagbuti nito ang ibinebenta. Tips:
Itukoy ang problema at sabihin ang nais na solusyon. Gusto mo ba ng refund, repair o replacement?
Ipunin ang mga dokumento ng pagbili resibo, tseke, warranty, repair order, kontrata para pabilisan ang paglutas ng aberya.
Bumalik sa nagbenta o nagserbisyo at mahinahong ipaliwanag ang daing. Kung hindi ito maka-desisyon, hanapin ang manager. Ito ang kadalasang nakakaayos ng gusot. Kung may Customer Relations Officer ang kompanya, lalong mabuti.
Kung wala pa ring nangyari, sumulat ng pormal na complaint sa tamang ahensiya ng gobyerno. Ilakip ang pangalan at tirahan mo at ng iniaangal na kompanya o tindahan, at ang mga dokumento ng pagbili. Humandang makiharap kung tawagin sa anumang ahensiya:
Department of Trade and Industry, kung ang aberya ay sirain o sobrang mahal na produkto, at palpak na serbisyo o repair. Kasama na rito ang maling tatak o mapanlinlang na advertisement, peke o palpak na gamit, at paglabag sa mechanics ng sales promo;
Dept. of Health, kung hinaluan, peke o mali ang ibinentang gamot, pagkain, cosmetics, at anumang makasasama sa kalusugan;
Dept. of Agriculture, kung peke ang produktong pangsakahan;
Dept. of Interior and Local Governments, sa madayang timbangan;
Bangko Sentral ng Pilipinas, kung hindi sinaad sa papales lahat ng kondisyones ng pautang ng bangko o sanglaan; at
Securities and Exchange Commission, kung sabit ang pre-need plan.