Ingatan ang mga ngipin
October 28, 2001 | 12:00am
Madalas kong isulat sa column na ito ang tungkol sa pangangalaga sa mga ngipin. Hindi ako nagsasawang ito ay ulitin upang mabigyang kaalaman ang mamamayan, partikular ang mga kabataan para mapangalagaan ang kanilang mga ngipin. Sa simula pa lamang, dapat nang ipamulat ng mga magulang sa kanilang mga anak ang paglilinis sa mga ngipin upang hindi ito mabulok. Sa isang report, sinasabing maraming mga batang nag-aaral sa mga public school ngayon ang sira ang mga ngipin at marami pa ang nagdurusa dahil sa idinudulot na sakit na nagiging dahilan para maapektuhan ang pag-aaral. Ang pagbisita sa dentista ay mahalaga upang ma-check-up ang kalagayan ng mga ngipin.
Mahalagang magkaroon ng pantay-pantay o nasa ayos na mga ngipin sapagkat ito ang nagdidikta sa posisyon ng panga. Kapag ang mga ngipin ay sungki-sungki nadi-dislocate ang ibabang bahagi ng panga.
Sinabi ni Dr. Helen M. Velasco, DMD, kapag nawala sa posisyon ang mga ngipin nagkakaroon ng temporo mandular joint disorder at daranas ng pananakit ng ulo, leeg at likod; makadaranas ng pagkahilo, pamamanhid ng kamay hanggang sa dulo ng daliri. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagngiwi ng mukha, pagkabingi at iba pang nerve disorders. Mawawalan din ng ganang kumain, hindi mapagkatulog, nagiging bugnutin at makadaranas ng pag-ihi sa gabi mula sampu hanggang 15 beses.
Maiiwasan ang pagkasira ng mga ngipin kung pananatilihin itong malinis. Mahalaga ang patnubay ng magulang upang magkaroon ng matibay na mga ngipin ang kanilang mga anak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended