Gawi ng kalooban
October 28, 2001 | 12:00am
Kayo ay hindi isang Pariseo ni tagakulekta ng buwis. Marahil kayo ay isang kolektor ng buwis, ngunit tiyak na hindi isang Pariseo. Datapwat may leksiyon sa Ebanghelyo ngayong araw na ito para sa inyo. Ginamit ni Jesus ang kuwento dito upang tulungan ang mga nakikinig sa kanya na pagnilayan ang kanilang ugnayan sa Diyos.
Ang istoryay simple lamang, subalit sasaliksikin nito ang gawi ng inyong kalooban at pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Narito ang pagkakakuwento ni Lukas (Lk. 18:9-14).
Sinabi rin niya ang talinhagang ito sa mga taong ang tingin sa sariliy matuwid at humahamak naman sa iba. May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: Ang isay Pariseo at ang isa namay publikano. Tuminding ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya o kayay katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita. Samantala, ang publikanoy nakatayo sa malayo; hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan! Sinasabi ko sa inyo: Ang lalaking itoy umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."
Ang Pariseo ay hindi nakikipag-usap sa Diyos. Kinakausap niya ang kanyang sarili. Pinupuri niya ang kanyang sarili. Sinasabi niya kung gaano siya mas mabuti kaysa sa publikano o taga-kolekta ng buwis. Natatagpuan ninyo ba ang sarili, kung minsan, na iniisip ninyo ang inyong sarili kapag kayoy nasa harap ng Diyos? Ito ay gawi ng isang palalo. Ang anumang kabutihang ating nagagawa ay sa sariling kapurihan nauuwi. Ito ay kapalaluan.
Mayroong kababaang-loob at higit na pagkakilala sa sarili ang publikano o taga-kolekta ng buwis. Ang kanyang mga salita, gawi at kilos, ang pagdagok niya sa kanyang dibdib ay simpleng nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa kanyang sarili. Ang taong ito ay may kapayapaan sa Diyos. Siya ay may kapayapaan sa kanyang sarili. May kapayapaan din siya sa kanyang kapwa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended