'Baka may mabuhay pa diyan!'
October 28, 2001 | 12:00am
Sa mga naniniwalang walang kinalaman si Sen. Ping Lacson sa kanyang pagkakasangkot sa kuratong baleleng case narito ang sinumpaang salaysay ng isang pulis tungkol sa kanyang nalalaman sa naturang kaso.
Ako si P/SInsp. Abelardo Ramos, may sapat na gulang, kasalukuyang nakatalaga sa traffic management ng Kampo Crame, lungsod ng Quezon, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay nagsasalaysay ng mga sumusunod na:
Ako ay isang kawani ng pambansang pulisya ng Pilipinas mula noong 1991 hangang ngayon.
Noong ika-17 ng Mayo 1995, bandang ika-siyam ng gabi, ako ay nakatanggap ng tawag sa radio mula sa Sou Limbas office at inuutusan ni P/SSupt. Francisco Zubia, director ng TMG na pumunta ako ng kampo Bagong Diwa lugar. Sa aking pagdating sa nasabing kampo hindi nagtagal ay nakatanggap na naman ako ng tawag mula sa radio galing kay P/SSupt. Zubia at inaatasan akong magtungo sa tanggapan ni P/CSupt. Jewel Canson sa loob ng nasabing kampo (NCRC) para dumalo sa pulong ng kung saan ay ilalahad ang plano kung paano magsagawa ng operasyon laban sa Kuratong Baleleng/Solid Group. Sa pulong na ito nakita ko sina Regional Director, NCRC P/SUPT Jewel Canson; director, CIC P/SUPT Romeo Acop: Chief Task Force Habagat P/SUPT Panfilo Lacson; Director, TMC, P/Supt Francisco Zubia, P/CInsp. Erwin Villacorte, P/Supt. Zorababel Laureles at iba pa.
Sa nasabing pulong ako ay inatasang sumunod sa armored personnel carrier (V-150) at sinabihan kaming maging perimeter defense sa Superville, Sucat, Parañaque na kung saan ang safehouse ng Kuratong Baleleng/Solido group ay matatagpuan. Sa aming pagdating sa nasabing lugar, kami ay naghintay kung magkakaroon ng enkuwentro subalit wala naman kaming narinig na barilan. Matapos ang ilang sandali, ako ay bumaba sa aming sinasakyan at nagtungo sa safehouse na pinasok ng V-15 sa aking tanda, aking nakita ay walong katao na pinaniniwalaang kasapi ng Kuratong Baleleng/Solid group na bihag ng ilang kawani ng pulisya na unang pumasok sa loob: Matapos ang ilang minuto, kami ay nagtungo sa Kampo Crame dala ang walong bihag at itinigil ang dalawang L-300 vans sa motorpool area ng traffic management group. Habang ako ay nasa Kampo Crame, ako ay muling sumali sa panibagong yugto ng pagpupulong. Dito ko muli nakita si P/CSupt Panfilo Lacson, Romeo Acop, P/Supt. Zorrobabel Laureles, P/CInsp. Erwin Villacorte at iba pang mga opisyal at elemento ng PNP.
Pagpasok ko sa nasabing pulong, si P/SSupt. Zubia ang nagpapaliwanag ng plano at sinabi niya dadalhin namin ang mga bihag sa may Commonwealth Ave., at pagbaba sa flyover ay papatayin at palalabasin na napatay sila sa isang enkuwentro. Ito raw ay may clearance na sa mga nakakataas. Ito ay tinanguan ni P/CSupt. Lacson bilang pangsang-ayon sa buong plano. Bago ako umalis sa pulong, sinabihan pa ako ni P/CSupt. Lacson na Baka may mabuhay pa diyan. Matapos ang nasabing pulong, kami ay bumaba mula sa tanggapan ni P/SSupt. Zubia at nagtungo sa kinaroroonan ng dalawang L-300 vans. Sumakay ako at tatlo ko pang mga tauhan sa unang van kasama ang apat na katao na pawang mga bihag mula sa Superville.
Noong madaling araw ng ika-18 ng Mayo 1995, kami ay nagtungo sa Commonwealth Avenue upang ang planong pagpatay sa mga nasabing bihag na lulan ng L-300 vans. Dito naman isinagawa ang utos nila PC/Supt Panfilo Lacson P/CSupt Romeo Acop at PSSupt. Francisco Zubia na pagbabarilin ang mga bihag na lulan ng L-300 van. Matapos ang ilang minuto, dumating si P/SInp. Glen Dumlao kasama ang kanyang mga tauhan at inako ang nasabing insidente at pinalabas na ito ay enkuwentro sa pagitan ng Kuratong at ng kanilang Grupo; Kinabukasan, ako ay nabigla dahil nalaman ko na wala ang aking pangalan sa listahan ng mga lumahok sa nasabing operasyon at sa halip ay si P/SInsp. Dumlao ang nakapangalan upang irekomenda para sa pagtataas ng tungkulin.
Ginawa ko itong sinumpaang salaysay na ito na bukal sa aking kalooban at hindi mula sa pananakot ng kung sino man at bilang patotoo sa lahat ay nabanggit na sa itaas nito.
Sa katotohanan ng lahat ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-24 ng Marso 2001, lungsod ng Quezon, Pilipinas.
Sino ang nagsasabi ng totoo si Lacson o ang isang pulis na pawang tauhan lamang ng isang mataas na pulisya na katulad ni Lacson? Kayo ang humusga!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest