^

PSN Opinyon

School records ng NAIA official kinakalkal

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Hukay marino raw ang ginagawa ng ilang concerned employees ng Manila International Airpot Authority (MIAA) para kalkalin ang school records ng isang tinaguriang Capt. Mukmok. Peke raw ang mga isinumite nitong dokumento. Si Capt. Mukmok ay sinasabing humahawak ng sensitibong posisyon sa airport.

Lumabas ang ganitong tsismis may dalawang linggo na ngayon ang nakararaan. Isa-isa nang naglalabasan sa kanilang lungga ang mga taong nabubuwisit kay Capt. Mukmok.

Hindi ko muna babanggitin ang tunay na pangalan ni Capt. Mukmok habang hinuhukay ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga important documents. Take note, MIAA general manager Ed Manda, Sir.

Nagkuwento ang kaibigan ng kasamahan ni Capt. Mukmok sa isang kuwago ng ORA MISMO na magkasama sila nito sa karsel noong panahon ni Marcos. First year college raw itong si Capt. Mukmok sa isang eskuwelahan diyan sa may Intramuros.

Wala raw itong karapatang humawak ng sensitibong position sa airport porke kamote raw itong magsalita at sumulat ng English. DECS Secretary Raul Roco, Sir!

Sabi ng kaibigan ng mga kuwago ng ORA MISMO, itong si Capt. Mukmok ay dalawang beses niyang nakasama sa kulungan. Nahuli ito ng mga bataan ni Marcos kasi masyado raw madaldal. Napalaya si Capt. Mukmok nang si Cory Aquino ang naging Prez noong 1986.

Matindi sa click si Capt. Mukmok pero saka na lamang namin ikukuwento ang secret life nito. Hindi kasi maidilat ng isang kuwago ng ORA MISMO ang kanyang mga mata. Napuyat kasi sa paghalukay ng impormasyon.

‘‘Kinukuha na ba ang mga important papers sa school ni Capt. Mukmok?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Isa-isa nang kinakalap,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Bakit ngayon lang ito ilalabas?’’

‘‘Sobra raw ang hangin at yabang ni Capt. Mukmok kaya kinakalkal ang kanyang school records,’’ sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Eh, ano ang magagawa ngayon ng management?’’

‘‘Malaking problema at kahihiyan ang nagbigay ng basbas kay Capt. Mukmok.’’

‘‘Paano ngayon?’’

‘‘Bahala ang Civil Service Commission at Ombudsman kay Mukmok.’’

vuukle comment

CAPT

CIVIL SERVICE COMMISSION

CORY AQUINO

ED MANDA

ISA

KOTONG COP

MANILA INTERNATIONAL AIRPOT AUTHORITY

MUKMOK

RAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with