Sulat ng pag-ibig
October 27, 2001 | 12:00am
Nakaupo kami ni Poldo sa maliit na balkonahe ng kanilang bahay at nagkukuwentuhan.
"Poldo, nanliligaw ka ba? tanong ko dahil sa pagkakatitig niya sa isang dalagitang dumadaan sa kalsada.
Namula si Poldo pero nakangiti pa ring sumagot, Siyempre naman po. Pero hindi pa ako handang mag-asawa, Doktor."
Pero, dito sa nayon, madalas ay marami ang batambata kung magsipag-asawa.
Totoo po iyon. Pero ako mag-aasawa lamang kapag may ipakakain na sa aking pamilya.
Binago ko ang aming usapan. Tinanong ko. Paano ba inuumpisahan ang ligawan, Poldo?
Hindi agad sumagot si Poldo. Parang pinipili ang magandang halimbawa. Ang iba ay karaniwang dinadaan sa sulat.
Tapos ihuhulog sa buson para dalhin ng isang kartero?" Tanong ko.
Tumawa si Poldo. Hindi po ganoon. Kailangang humiram kayo ng libro o babasahin. Pagsauli ay nakaipit na ang sulat.
"Hindi ba magagalit ang babae sa paraang ganoon? tanong ko.
Pag humiram kayo ng libro o babasahin, iyon ay tanda na ng iyong planong maglagay ng sulat para sa kanya. Ang totoo nga, pag nagpahiram siya ng libro, pahintulot na iyon para ikaw ay sumulat sa kanya.
At ang babae ay sasagot at tapos na ang istorya.
Hindi po muna siya sasagot. Pero kailangang ipagpatuloy ninyo ang pagsulat. Hanggang sampung sulat karaniwan.
Buti pa ay mag-mimeograph tayo ng sulat.
Hindi po maari iyon. Kailangang maghirap sa pagsulat sapagkat bahagi ng pagsubok sa inyong pag-ibig."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended