Kakaibang bomba
October 26, 2001 | 12:00am
Nakagigimbal ang imbestigasyon ng NBI. Yun palang dalawang Vietnamese at isang Hapong terrorists na nahuli sa San Juan kailan lang, kakaiba ang mga bombang ginagawa. Hindi lang basta sobra ang lakas. Puwede ring i-trigger sa pamamagitan ng cellphone. Iiwanan lang ang bomba sa target, tapos tatawagan ang cellphone. Pagkiriring... BOOM!
Nang mahuli, agad umamin ang tatlo na balak nilang tirahin ang Vietnamese embassy sa Makati. Simbolo raw kasi ito ng malupit na rehimeng komunista sa kanilang bansa.
Pero heto ang siste. Ang special bombs nila, hawig na hawig sa mga sumabog sa LRT-Blumentritt, Plaza Ferguson-Ermita at gilid ng Hotel Nikko-Makati nung Disyembre 30, Rizal Day, 2000. Matitindi rin ang mga bombang yon. Mahigit dalawang dosenang pasahero ang namatay sa tren, apat na tambay sa plaza, dalawang pulis sa Makati. Cellphones din ang trigger ng mga pagsabog. May pang-apat na cellphone bomb na hinihinalang nag-malfunction nang pumutok sa isang bus sa Cubao.
Dalawang araw bago ang pagsabog, may nahuling dalawang Abu Sayyaf terrorists sa Maynila. Kumanta silang ineroplano sila ng PAOCTF officers mula Zamboanga City. May ipabobomba raw sa kanila. Pero isa-sideline na rin daw nila ang pagbenta sa media ng videotaped interview kay American hostage Jeffrey Schilling.
Wala nang naging follow-up doon. Hindi pinansin ang confession. Bakit nga naman masasangkot sa Abu Sayyaf terrorists ang PAOCTF, na pinamumunuan ni nooy PNP chief Gen. Panfilo Lacson.
Pero ano to? Nahuli pala nitong nakaraang buwan ang Vietnamese terrorists sa bahay na inupahan para sa kanila ni businesswoman Flory Estrada. Umamin si Flory na dati siyang operatiba ng Metrocom sa ilalim ni Col. Rolando Abadilla. Kasama niya roon si Capt. Panfilo Lacson.
Matunog ang pangalan ni Flory. Sangkot siya sa exposé ni ISAFP chief Col. Victor Corpus tungkol sa mga raket ni ngayoy Senador Lacson. Nalulong daw ang PAOCTF sa pamemeke ng titulo ng lupa. Magkasosyo raw sina Lacson at Flory sa pagkamkam ng lupa ng Marcos cronies. Kasama raw nila sa raket sina Cesar Mancao at Michael Ray Aquino.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended