^

PSN Opinyon

Pulis nakabaril ng trabahador

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Si Waldo ay isang pulis. Isang gabi, habang siya’y nakasakay sa unahan ng isang pampasaherong jeepney, may apat na trabahador na papauwi na ang pumara. Nang biglang pumara ang jeepney, muntik nang masagasaan ang apat na trabahador. Isa rito ang biglang sumigaw ng "pesteng yawa — a kamo, manligis man kamo." Sabay naman ang sigaw ng isang pasahero sa jeepney ng "no ano man diay isog mo?" Ito’y sinundan ng dalawang putok ng armalite na nagmula sa gawing kanang unahan ng jeepney.

Nasugatan sa kanang tuhod ang isang trabahador na nakilalang si Brando. Dinala siya sa ospital at binigyan ng first aid upang tumigil ang pagdurugo. Pagkaraan ay inilipat siya sa ibang ospital upang operahan dahil may tinamaang ugat. Pagkatapos ng tatlong oras na operasyon, namatay si Brando.

Samantala, napag-alaman na si Waldo ang bumaril kay Brando. Siya’y nakasuhan at napatunayang nagkasalang pumatay kay Brando. Inapela niya ang desisyon. Sinabi niyang wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Brando. Tinamaan lang daw ito sa tuhod na hindi naman nakamamatay. Ang ospital daw ang may kasalanan kung bakit namatay si Brando. Pinabayaan daw ito ng mga doktor. Tama ba si Waldo?

Mali.
Wala namang naibigay na ebidensiya si Waldo na naging pabaya ang mga doktor ng ospital. Ang pagkakaantala ng paggamot kay Brando ay hindi nakaputol ng koneksiyon ng pagbaril dito ni Waldo. Ang pinakamalapit na sanhi ng pagkamatay ni Brando ay ang pagbaril pa rin ni Waldo. Sinumang makasakit sa kapwa ay mananagot sa lahat ng kahihinatnan ng kanyang maling nagawa tulad ng pagkamatay ng nasaktan. Hindi maaaring makaiwas ang suspect dahil lamang sa pagtuturo ng ibang sanhi ng pagkamatay. Kung ganito ang magiging patakaran maraming makalulusot sa pananagutan.

Sampung taon hanggang 15 taon, 10 buwan at isang araw sa kulungan ang parusa kay Waldo. Magbabayad din siya ng P50,000 sa mga naiwang kamag-anak ni Brando. (People of the Philippines vs. Acuram G.R. No. 11954 April 27, 2000)

ACURAM G

BRANDO

DINALA

INAPELA

ISA

ISANG

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

SI WALDO

WALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with