^

PSN Opinyon

Bioterrorism: Bagong kalaban ng sangkatauhan

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Marami ang nabahala sa pagkalat ng anthrax bacteria. Marami ang ayaw magbukas ng sulat sapagkat maaaring nagtataglay ng bacteria na unang tumama sa US at meron nang namatay. Ang bacteria ay napakabilis kumalat. Sa ngayon, may siyam na insidente na ng impeksiyon ng anthrax sa US. Sa Washington, kinakailangang sumailalim sa pagsusuri ang may 2,000 empleyado sa post office dahil ang mikrobyo ay dala ng isang sulat. Maging ang Senado at Kamara ay sarado matapos makumpirma na ang isang sulat para kay Senate Majority Leader Tom Daschle ay naglalaman ng anthrax.

Bagaman hindi pa rin kumpirmado kung saan nanggaling ang bacteria at ang dahilan ng pagpapakalat nito, isang bagay ang tiyak ang panganib na dala nito sa publiko. Ang pagkalat ng bacteria ay peligro sa lahat. Walang pinipili. Ito ang panibagong uri ng terorismo, ang bioterrorism na gumagamit ng mikrobiyo at kemikal upang makapaminsala. Ang kaalaman sa agham at siyensiya ay ginagamit sa maling paraan at kapahamakan. Maging ang mga serbisyo publiko ay apektado sa malawakang epekto ng pagkalat ng anthrax bacteria.

Napakalaki ng pananagutan ng mga taong nasa likod ng mga ganitong uri ng gawaing terorismo. Ang pagsasawalang-bahala sa kapahamakang dala ng bacteria ay manipestasyon ng kawalan ng takot sa Diyos. Indikasyon din ito ng nakababahalang paggamit ng talino at kaalaman sa maling paraan. Ang pag-iingat ang pinakamainam na magagawa ng bawat isa laban sa hindi nakikitang kalaban. Bagamat may gamot na panlaban sa anthrax infection dapat pa ring maging alerto ang lahat.

vuukle comment

BACTERIA

BAGAMAN

BAGAMAT

DIYOS

INDIKASYON

KAMARA

MARAMI

SA WASHINGTON

SENATE MAJORITY LEADER TOM DASCHLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with