^

PSN Opinyon

May buti sanang hatid ang APEC sa Pinas

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Napakagandang tingnan ng retrato ng 21 miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Kasama rito si President Gloria Macapagal-Arroyo, US President George W. Bush, Indonesian President Megawati, Japanese Prime Minister Koizumi at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad.

Nasabi nga ng aking kaibigan na talaga sigurong napakahigpit ng security sa pagtitipon na ito ng mga pinakamataas na pinuno ng mga bansa sa Asia-Pacific. Aba eh kung may loko-lokong maghagis lamang ng isang granada sa gitna ng pagkukumperensiya ng mga ito, siguradong magugulo ang mundo lalo’t narito si Bush.

Salamat sa Diyos at maluwalhating nakaraos ang APEC conference. Sa katunayan, napakaganda pa ng kinalabasan sapagkat nagkaisa ang mga miyembro at sang-ayunan ang US sa pagtuligsa at pagsupil sa terorismo.

Sa tingin ng mga ekonomista at mga eksperto sa pulitika, malaki ang nagawa ng APEC conference. Bukod sa paghahayag ng suporta sa hakbangin ng US nailahad din ng mga miyembro ang kani-kanilang programa sa ikauunlad ng pangkalahatang ekonomiya. Ang bagay na ito ay binigyang-diin at niliwanag sa talumpati ni Chinese President Jiang Zemin.

Harinawang malaki rin ang pakinabang na nakuha ng Pilipinas sa katatapos na APEC conference. Sana nga ay time-out muna tayong mga Pilipino sa pamumulitika. Wala na munang parti-partido. Pagkakanya-kanya at batuhan ng putik. Magsama-sama na tayo upang harapin ang mga problemang humihila sa atin pababa.

ASIA-PACIFIC

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BUKOD

CHINESE PRESIDENT JIANG ZEMIN

INDONESIAN PRESIDENT MEGAWATI

JAPANESE PRIME MINISTER KOIZUMI

MALAYSIAN PRIME MINISTER MAHATHIR MOHAMMAD

PRESIDENT GEORGE W

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with